^

PSN Palaro

PBL Challenge Cup: DLSU nilantakan ng Shark

-
Naging matatag ang defending champion Shark Energy Drink sa huling bahagi ng laro upang muling ipadama ang kanilang supremidad nang kanilang igupo ang ICTSI-La Salle, 59-55 kahapon sa PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Ang panalo ay dumuplika sa unang itinala ng Power boosters na 64-58 noong nakaraang Dec. 4 na siyang tumapos sa kanilang dalawang sunod na kabiguan at kanilang napalakas ang tsansa para sa awtomatikong semifinal slot bunga ng 7-4 kartada.

Humakot si Rysal Castro ng 11 puntos, ngunit sina Gilbert Malabanan at Chester Tolomia na kapwa tumapos ng tig-10 puntos ang siyang nagsalpak ng krusiyal na basket sa maiinit na bahagi ng labanan.

Ito ang ikatlong kabiguang nalasap ng ICTSI-La Salle sa kanilang 10 laban.

"I told the boys na kailangang manalo kami, this win is the best Christmas gift for us. Nag-respond naman sila dahil it’s hard totake the Christmas break with a loss," pahayag ni Shark coach Leo Austria.

"I have to give credits to the boys for giving their best, especially Clarence Cole who really stepped up in this game. I felt relieved dahil galing kami sa dalawang talo," dagdag pa ni Austria.

Naging makapgil hininga ang laban nang isalpak ni Mike Cortez ang tres upang itabla ang iskor sa 55-all may 1:04 ang nalalabi sa laro.

Ngunit dito, ipinamalas ng Shark ang kanilang malalim na karanasan nang isa lamang ang isalpak ni Malabanan sa kanyang foul throw mula sa foul ni Willy Wilson para sa 56-55 kalamangan, 37.9 segundo sa laro.

Sa sumunod na play, agad na humugot si Topex Robinson ng mabilis na steal kay Cortez at kanya itong ipinasa kay Malabanan na bagamat sumablay ang kanyang tira, mabilis si Tolomia na siyang nag-follow-up para sa panigurong 58-55 29, segundo sa tikada.

CHALLENGE CUP

CHESTER TOLOMIA

CLARENCE COLE

GILBERT MALABANAN

LA SALLE

LEO AUSTRIA

MAKATI COLISEUM

MALABANAN

MIKE CORTEZ

RYSAL CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with