Ildefonso, pro cager ng taon
December 20, 2001 | 12:00am
Mapapasama si Danny Ildefonso, ang pinakamahusay na manlalaro sa pro-league ngayong taon sa elite cast ng mga sports greats na pararangalan ng Philippine Sportswriters Association sa kanilang tradisyunal na PSA Annual Awards sa Enero 11 sa Holiday Inn sa Manila.
Si Ildefonso ay nagkakaisang napili bilang pinakamahusay na propesyunal basketball sa taong 2001 matapos na mapagwagian niya ang kanyang ikalawang sunod na PBA Most Valuable Player award bukod pa sa pagsungkit ng tatlong conference titles sa season.
Inimbitahan ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maging guest of honor at speaker sa Awards Night ang pinakamatandang news organization ng bansa.
Ang naturang Awards night ay hatid ng Photokina Marketing at suportado ng Philippine Sports Commission.
Igagawad rin ng Pangulo ang Most Outstanding Athlete awards kina world billiards champion Efren Bata" Reyes at Fil-American golfer Dorothy Joy Delasin gayundin ang kay Ildefonso at iba pang nanalo ng Major Awards sa PSA.
Ang iba pang major awardees na pinagbotohan ng PSA sa ginanap na board of directors meeting ay sina Manny Pacquiao (pro boxing), Eduardo Buenavista (athletics), Liza del Rosario (bowling), Wind Blown (horse of the year) at Roberto Cruz (taekwondo).
Kasalukuyan pang tinatalakay ng PSA ang iba pang nominado para sa major awards.
Ang 22-gulang na si Pacquiao ay wala pang talo sa kanyang apat na laban ngayong taon. Kanyang pinigil si Lehlo Ledwaba upang agawin ang IBF 122-pound crown sa Las Vegas noong June at nauwi sa draw ang kanilang laban ni Agapito Sanchez ng Dominican Republic sa kanyang title defense noong nakaraang Nov.
At sa kanyang ikalawang taon sa Southeast Asian Games, niyanig ng 22-gulang na si Buenavista ang kanyang mga kalaban nang manalo sa 3,000 meter steeplechase at 5,000m run upang maging kauna-unahang Filipino na naka-double gold medalist sa Kuala Lumpur SEA Games.
Naibulsa naman ni del Rosario ang gold sa doubles sa bowling ng makipagpa-reha ito kay Arianne Cerdeña sa KL SEAG, nakarating din sa finals ng prestihiyosong World Cup ng bowling sa Patthaya, Thailand.
Namayani si Wind Blown ngayong taon sa mga major stake races--ang Gran copa de Manila, Breeders Cup, Founders Cup at ang season-ending Presidential Gold Cup dahilan upang makopo ang karangalan para sa horse of the year.
Lumahok sa finweight division sa taekwondo, nagposte si Cruz ng record sa Philippine sports nang manalo ng SEA Games gold sa sa Kuala Lumpur.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended