Ito ang ipinahayag ni Cebu City Sports Commission chairman Jonathan Guardo nang maging panauhin kahapon sa lingguhang PSA Forum sa Holiday Inn Manila Pavilion.
Sinabi pa ni Guardo na naniniwala siya na ang 2005 Southeast Asian Games ay dapat ng ganapin sa labas ng Manila kung saan kanyang ipupursige ang Cebu sa kanilang seryosong intensiyon na maging punong abala ng nasabing biennial meet.
Umaasa ang Cebu City government sa pangunguna ni Mayor Tommy Osmeña na makakakuha ng buong suporta sa plano ni Guardo at sa katunayan sila ang nangunguna sa bidding committee para sa 2005 SEAG kasama si dating representative Joy Young.
Sinabi pa ni Guardo na ang Queen City sa South ay magaang na makapagdaraos ng 10 hanggang 15 sports events para sa biennial meet na apat na taon mula ngayon. Ang iba pang siyudad sa nasabing probinsiya na puwedeng pagdausan ng laro ay ang Lapu Lapu, Danao, Mandaue at Mactan na pumayag na rin sa konsepto ni Guardo para sa multi-city bidding.
Isa lamang ang kailangan sa ngayon ng Cebu ang bagong state-of-the-art stadium para sa opening at closing ceremonies. Napipisil ni Guardo ang 22-hektaryang lupain sa South Reclamation area o isang malaking property sa Lapu Lapu City para sa venue.
At dahil sa kailangan ng i-finalize ng Philippine Olympic Committee ang kanilang guidelines para sa bidding, sinabi ni Guardo na kanila ng isusumite ang isang liham para sa kanilang intensiyon na mapasali sa bidding ngayong linggo.
"Ive been to Johore Baru, Malaysia during the recent SEA Games and comparatively, Cebu has better facilities and can easily host same big events like athletics, boxing, weightlifting and even gymnastics," ani Guardo sa Forum na hatid ng Red Bull, Agfa Color at McDonalds.
Noong nakaraang linggo, nagpahayag ng kanilang interes ang Pampanga at Bacolod sa pagho-host ng nasabing biennial meet.
Sinabi ni Pampangas youth and sports vice chairman Yeng Guiao na nakahanda silang maglaan ng hindi bababa sa P3 bilyon upang magtayo ng state of the art sports facilities at kinukunsidera na ang magiging benipisyaryo nito ay ang mga atleta sa hinaharap.