PBA: Apat na ang team ng San Miguel Corporation
December 19, 2001 | 12:00am
Apat na koponan ang nasa ilalim ng San Miguel Corporation matapos aprobahan ng PBA Board of Governors ang pagsasalin ng RFM franchise sa Cojuangco.
Ito ang resulta ng botohang isinagawa sa board meeting kagabi sa Manila Golf Club kung saan 2/3 lamang ng siyam na botante ang kailangan para maaprobahan ito.
"The PBA Board of Governors has aproved the request of RFM to transfer their franchise to Cosmos Bottling there by paving the way for San Miguel Corporation to own four PBA teams upon finalization of sale of Cosmos to SMC Coca-Cola," base sa press statement ni PBA Commissioner Jun Bernardino.
Sa kaagahan lamang ng taong ito ay nabili na ng San Miguel Corp., ang Purefoods na naging karagdagan sa kanilang naunang dalawang koponan na San Miguel at Barangay Ginebra.
Hindi rin naman dapat mabahala ang mga players na may existing contract sa RFM dahil nasa kasunduan din nila na kukunin ang mga ito bilang bahagi ng pagkakabili ng SMC sa prangkisa.
Gayunpaman, ang mga mapapaso na ang kontrata sa Disyembre ay kailangang makipag-negotiate sa bagong may-ari ng prankisa. May 9 na manlalarong ang mapapaso na ang kontrata at ito ay pinamumunuan ng pambato na sina Johnny Abarrientos, Poch Juinio, William Antonio, Jojo Lastimosa at iba.
"We are thankful sa lahat ng supporters, media at sa PBA sa aming 12 years na pananatili dito. We have 4 championships and we are happy with our stay." pahayag ni Team manager Elmer Yanga.
Samantala, muling pag-uusapan ang tungkol sa prangkisa ng FedEx na nabili sa Tanduay sa Disyembre 27 habang inaprobahan na ang pagkuha ng dalawang import na may combine height na 13 feet o isang import na may unlimited height para sa 2002 season.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended