Fernanadez, Adornado panauhin sa PBA Press Corps Awards Night
December 18, 2001 | 12:00am
Sina Ramon "El Presidente" Fernandez at William "Bogs" Adornado, miyembro ng 1973 RP-ABC champion team ang panauhing pandangal sa pagdaraos ng taunang PBA Press Corps Awards Night sa Disyembre 22 sa Bayview Hotel,Roxas Blvd.
Si Fernandez, ang kauna-unahang four-time PBA MVP awardee at miyembro ng unang pro-team na lumahok sa Asian Games (1990/Beijing) na nagdala sa pambansang kulay.
Sa kabilang dako, si Adornado naman ang kauna-unahang three-time MVP ng pro-league.
At bilang tradisyon ng mga sportswriters na nagku-kober ng PBA games, bibigyan pansin nila ang lahat ng naging matagumpay sa 2001 season sa pagbibigay ng mga karangalan na Coach of the Year, Executive of the Year, Mr. Quality Minutes, Defensive Player of the Year at Referee of the Year.
Ang perpetual Coach Baby Dalupan trophy, na iniuwi noong nakaraang Disyembre ni San Miguel coach Jong Uichico ay muling iiwan sa pangangalaga sa buong taon ng mapipiling coach ngayong taon kasama ang replika para sa kanyang koleksiyon.
Ang coach na magwawagi sa naturang karangalan sa loob ng tatlong sunod na taon ay may karapatang magtago ng Baby Dalupan trophy.
Pangunahing sponsor para sa awards night ang San Miguel Beer.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended