^

PSN Palaro

Magandang Pasko sa Realtors

-
Inibsan ni Cris Tan ang siyam na taon nang pananabik ng Sta. Lucia Realty na makatikim ng titulo sa Philippine Basketball Association nang kanyang isalba ang Realtors sa pamamagitan ng kanyang matagumpay na three-point shot na naging daan sa 75-72 panalo ng Realtors kagabi sa napunong Araneta Coliseum.

Matapos makabangon ang Beermen mula sa 11-puntos na pagkakahuli at itabla ang score sa 72-all, walang kabang ipinukol ni Tan ang tres sa gilid, 3.3 segundo ang nalalabing oras sa laro para sa final score.

Tinangkang ipuwersa ng Beermen ang Game Seven, ngunit nagmintis lamang ang pinakawalang tres sa kanilang huling posesyon hanggang sa tumunog ang final buzzer.

Muli na namang nabigo ang San Miguel na maipagtanggol ang titulo matapos maagawan ng Batang Red Bull ng Commissioners Cup title makaraang tapusin ng Sta. Lucia ang best-of-seven serye sa 4-2.

" I’m so proud of the players especially Cris Tan," pahayag ni coach Norman Black na nagsubi ng kanyang ika-10 titulo matapos na huling makuha ang korona nang nasa kampo pa siya ng Beermen."I can’t belive he shot that triple."

Tila wala nang balakid sa daan ng Realtors patungo sa kanilang kauna-unahang titulo nang umabante ng 70-59 ang Sta. Lucia sa huling 5:38 ng sultada.

Ngunit pinangunahan ni San Miguel import Lamonth Strothers ang 13-2 run sa pag-ambag ng 8-puntos upang itabla ang score sa 72-all, 26 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Ang tres ni Tan ay ang kanyang tanging produksiyon sa ikaapat na quarter at nagtapos ng 8-puntos sa loob ng 17-minutong paglalaro. Papasok sa laro kagabi, may kabuuang 5-puntos lamang si Tan sa limang laro sa serye at 0-of-8 sa triple area, 2-of-7 ito sa 3-point field goal kagabi.

Pinangunahan ni Dennis Espino ang Sta. Lucia sa paghakot ng 17-puntos kasunod sina Owens at Marlou Aquino na may tig-14 puntos habang tuma-pos ng 13 si Gerard Francisco upang tabunan ang pinaghatiang 50-puntos nina Strothers at Danny Seigle para sa Beermen.

Sa pagutulungan nina Owens at Espino, umabante ng 11 puntos ang Sta. Lucia, 30-19 sa bungad ng ikalawang quarter.

Bagamat nakalapit ang San Miguel sa 30-34, muling umabante ang Realtors upang isara ang first half na taglay ang 42-33 kalamangan.

Samantala, magiging masaya naman ang Pasko at kaarawan ni Joselito de Leon na nanalo ng kabuuang P870,750 sa Coat Saver Miracle shot kagabi.

Naglulupasay at hindi makahinga si de Leon na magdiriwang ng kanyang ika-34 kaarawan sa Disyembre 29, nang kanyang ipasok ang ikapitong tira mula sa midcourt.

"Ibibigay ko sa misis ko ang pera para sa tatlong anak ko," ani de Leon na gumastos ng P600 para makabili ng lower box ticket mula sa scalper. "May pilay pa nga yung kaliwang kamay ko kaya pinuwersa ko sa kanan," dagdag pa ng contractual rent-a-car driver mula sa Mandaluyong City.

ARANETA COLISEUM

BATANG RED BULL

BEERMEN

COAT SAVER MIRACLE

COMMISSIONERS CUP

CRIS TAN

DANNY SEIGLE

PUNTOS

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with