^

PSN Palaro

MBA National Finals: 2-0 bentahe hihiwain ng Blades

-
Ikalawang sunod na panalo ang tatangkaing kanain ng Batangas Blades sa kanilang muling paghaharap ng Negros Slashers sa alas-5 ng hapon ngayon sa Game Two ng kanilang MBA National finals sa San Andres Gym sa Manila.

Naitakas ng Blades ang Game One matapos na bumangon mula sa kanilang 23-puntos na pagkakalubog matapos na magtulungan sina Eddie Laure at Tonyboy Espinosa sa huling anim na minuto upang igupo ang Slashers sa St. La Salle Lipa Sentrum sa pagbubukas ng kanilang best-of-five series noong Miyerkules.

Ngunit ang panalong ito ng Blades ay nagbigay agam-agam kay coach Nash Racela dahil posibleng ang kanyang mga bata ay maaaring mag-relax ngayon.

"They (Blades) have the tendency to relax and we can’t afford to that against the Slashers in the succeedings Games," ani Racela na nangangamba sa paglipat ng bagong lugar ng kanilang sagupaan.

Isa sa pinangangambahan ni Racela ay ang pagkawala ng mga Batangueños na siyang nagbibigay sa kanila ng suporta.

"The crowd served as our sixth man in Game One," wika pa ni Racela.

Inaasahang muling hahakot ng intensibong laro si Racela mula sa kanyang mga bataan na sina Espinosa, Laure, Romel Adducul, Alex Compton, Peter Martin at Chuchu Serrano na pamilyar na sa San Andres Gym kung saan kilala rin ito bilang Mail & More, dahil sa kanilang homecourt nang sila ay pawang naglalaro pa sa Manila Metrostars.

Ngunit tiyak na hindi rin pahuhuli ang tropa ni coach Robert Sison at isang mahigpit na laban ang ilalatag nina John Ferriols, Reynel Hugnatan, Cid White at Ruben dela Rosa upang pigilan ang tangkang pagsukbit ng Blades sa Game Two at maitabla ang serye.

Ang Game Three at Four ay gaganapin sa University of St. La Salle Gym sa Bacolod City.

ALEX COMPTON

ANG GAME THREE

BACOLOD CITY

BATANGAS BLADES

CHUCHU SERRANO

CID WHITE

GAME ONE

GAME TWO

RACELA

SAN ANDRES GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with