PBL Challenge Cup: Liderato babawiin ng ICTSI-De La Salle University
December 13, 2001 | 12:00am
Tatangkain ng ICTSI-La Salle na muling mabawi ang solong liderato sa kanilang nakatakdang laban ng Montana Jewels ngayon sa second round elimination ng 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Kasalukuyang hawak ng ICTSI-Archers ang 5-2 win-loss slate sa likod ng lider na defending champion Shark Energy Drinks na tumalo sa kanila, 58-64 dahilan upang makamit ng Power Boosters ang 6-3 record.
Umaasa ang ICTSI-Archers na maduduplika ang kanilang 85-67 pamamayani sa Jewelers sa una nilang paghaharap sa alas-3:30 ng hapong sultada.
Pero kung matatalo ang ICTSI-Archers, mabibigyan ng malaking tsansa ang Blu Detergent na mahatak sa two-way-tie sa liderato kung sakaling mananaig sila sa Ateneo-Pioneer sa alas-5:30 ng hapong engkuwentro.
Ayon kay coach Franz Pumaren ng Archers, handa na ang kanyang tropa na bumawi mula sa huling kabiguan sa kabila ng siyam na araw na pamamahinga.
"Hopefully, the long break wont have any adverse effect on the team. Also during our scrimmages, yung prepared gameplan namin hindi lang naka-pokus against Montana but also against other teams lalo na sa Welcoat and Shark," wika pa ni Pumaren na inaasahang dedepende sa mga balikat nina Mike Cortez, Ronald Cuan, Bernson Franco, Adonis Sta. Maria at Dominic Uy.
At dahil sa kagagaling lamang sa 63-72 pagkatalo sa mga kamay ng Welcoat, siguradong hataw kalabaw ang gagawin ng Montana dahil mahigpit ang kanilang pangangailangan sa panalo upang mapalakas ang kanilang kampanya sa susunod na round.
Kasalukuyang nasa ilalim ng standings ang Montana na nagtataglay ng 2-7 karta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended