Si Peñalosa pa rin ang superflyweight champion
December 13, 2001 | 12:00am
Kinumpirma ng chairman ng World Boxing Council International Championship Committee Mauro Betti na si Gerry Peñalosa ay mananatiling superflyweight International Champion at nagkaroon lamang ng "misunderstanding sa GAB" kung bakit ipinaubaya ang kanyang titulo.
At sa sulat ni Betti sa manager ni Peñalosa na si Atty. Rudy Salud, sinabi nitong "it is now obvious to everyone that the WBC was led to believe that Peñalosa had decided to relinguish his prestigious WBC International crown voluntarily."
Mali ang paniniwala ng Games and Amusements Board na ang paglaban ni Peñalosa para sa world title ay awtomatikong tatalikuran na niya ang kanyang international crown na siyang rule ng Orient Pacific Boxing Federation. gayunman, ang WBC ay walang ganitong rule at sinabi ni Betti na matapos ang kanilang diskusyon ni WBC chairman Jose Sulaiman, GAB boxing division chief Atty. Noli Flores at Salud na maliwanag na si Gerry Peñalosa ay kinumpirma bilang kasalukuyang WBC International superflyweight champion.
At pansamantala, sinabi ni Betti na "on a very special and extraordinary basis" inaprobahan ng WBC ang "interim championship" sa December 22 sa San Fernando, Pampanga sa pagitan nina Philippine champion Joel Avila, rated No. 29 ng WBC at Juhnver Halog rated No. 30.
Sinabi rin ng WBC officials na naniniwala sila na ang title defense ni Peña-losa kontra sa dating WBC flyweight champion Malcolm Tunacao ay "would certainly be a great WBC International Championship."
Inihayag din ni Salud na nakalinya si Peñalosa para sumabak sa mananalo sa pagitan nina Avila-Halog interim title fight sa loob ng 60-araw matapos na idepensa ang kanyang titulo kontra Tunacao sa Cebu sa Hunyo kung siya ay mananalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended