PBL Challenge Cup: Shark kakapit sa liderato
December 11, 2001 | 12:00am
Sisikapin ng defending champion Shark Energy Drink na lalo pang mapahigpit ang kanilang kapit sa solong pangunguna sa kanilang naka-takdang pakikipaglaban sa Kutitap Toothpaste ngayon sa PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Umaasa ang Power Boosters na maipaghiganti ang kanilang 66-77 pagkatalo sa Teeth Sparklers sa kanilang alas-3:30 ng hapong duwelo.
Gagawing tuntungan ng Shark ang kanilang 83-76 panalo sa overtime kontra sa sister-team Blu Detergent dahilan upang masolo ang pangunguna at ang panalong ito ang magpapalawig ng kanilang winning streak sa anim.
"So far, so good. Maganda ang pacing ng team and I hope, tuluy-tuloy pa rin ang pinapakita nilang intensity," ani coach Leo Austria.
Batid ni Austria na si Chester Tolomia ang siyang main target ng kalaban upang ma-check ang kanilang open sa kung kayat inaasahan na niya ito at kanyang isasabak sina Gilbert Malabanan, Topex Robinson, Irvin Sotto at Rysal Castro na babalikat sa kanilang opensa.
"From what I observed. Iba yung adrenalin ng mga bata kapag isang top team like Welcoat ang kalaban namin. So I expect maganda ang intensity and hopefully, we could execute our plans, offensively and defensively well," pahayag naman ni Kutitap coach Koy Banal na siguradong muling dedepensa kina Wesley Gonzales, Allan Salangsang, JB Sison, Ricky Natividad at Mark Saquilayan.
Ang 72-63 pamamayani naman ng Welcoat Paints sa overtime kontra Montana Pawnshop ang siyang gagawing inspirasyon ng House Paints sa kanilang nakatakdang duwelo ng Ana Freezers sa alas-5:30 ng hapon.
Ang panalong ito ng Welcoat ang siyang pumutol sa kanilang apat na dikit na kabiguan dahilan upang malaglag sila sa ikaapat na puwesto kasosyo ang Ateneo-Pioneer na may kartang 4-4.
"Sana maulit namin yun. Medyo nauubusan na rin ako ng motivation to bolster their confidence. Compared to the first round, hindi rin magiging madali against Ana this time lalo nat mas kailangan nilang i-improved ang standings nila," ani coach Junel Baculi. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended