Pinangunahan ni Sydney Paralympic Games veteran Andres Lubin ang kampanya ng bansa nang sungkitin ang gold sa javelin throw at pentathlon (F55 category) at nagwagi rin siya ng silver sa shotput (T55/T54).
Ang iba pang dalawang golds ay mula naman kay Christina Padtoc sa 5,000- run (T 53) at Arnold Balais sa 200-m freestyle (S29 amputee).
Nagwagi rin si Padtoc sa 4 x 100 at 4 x 400 relay teams na pawang umumit ng silver.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Ma. Africita Salazar, Ruth Maragrag at Cherrylyn dela Cruz.
Nagpakitang gilas rin sina Balais nang kumana ito ng limang bronze medals sa 400-m freestyle, 100-m free-style, 50-m freestyle, 100-m butterfly at 50-m butterfly.
Ang iba pang silver medalists ay sina Ma. Africita Salazar sa 400-m dash (T53), Ruth Maragrag sa 100-m dash (T54), Joel Balatucan sa 100-m dash (T53), Evaristo Carbonell sa long jump (T53) at Juanito Mingarine sa pentathlon (T55/T54), habang ang mga bronze medalists ay sina Salazar (1,500-m and 200-m), Maragrag (200-m), Dela Cruz (100-m), Agustin Kitan (100-m), Jericho Openia (shotput) at Michael Alonzo (running long jump).
"Maganda ang naging kampanya namin, sa susunod gagalingan pa namin para mahigitan ang aming naiuwing karangalan para sa bansa. Salamat sa Diyos sa gabay niya," pahayag ni Lubin at ng kanyang mga kasama hinggil sa kanilang naging performance.