^

PSN Palaro

PBA Governors' Finals: Sta. Lucia 2-1 na

-
Humataw ang Sta. Lucia Realty sa unang bahagi ng labanan at hindi hinayaang magtagumpay ang tangkang pagbangon ng defending champion San Miguel Beer tungo sa 83-74 panalo sa Game Three ng kanilang titular showdown para sa PBA season-ending Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Binasag ng Realtors ang pagtatabla sa serye at napasakamay ang 2-1 kalamangan sa best-of-seven championships series at makabawi sa 78-86 pagkatalo sa Game Two makaraang kunin ang Game One sa 86-80.

Mahalagang papel ang ginampanan nina Felix Belano, Gerald Francisco at ang tinanghal na Best Import ng kumperensiyang ito na si Damien Owens lalo na sa huling bahagi ng labanan kung saan nakasilip ng pagkakataon ang San Miguel na maagaw ang tagumpay.

" I have to give it to Belano, Francisco and Owens," pahayag ni Sta. Lucia coach Norman Black. "Belano did great in running the game, Francisco really stepped-up defensively while Owens really improved his game from Game Two."

Tumapos si Owens ng 32-puntos, 11 nito sa ikalawang quarter nang ku-mawala ang Sta. Lucia na sinundan naman ng 15 at 12-puntos nina Francisco at Belano, ayon sa pag-kakasunod.

Pahabol na ito para sa kanyang nagdaang kaarawan, ngunit napakaaga pang Pamasko, pero ito na yata ang pinakamatamis na regalong natanggap ni Danny Ildefonso para sa taong ito.

Matapos makopo ang unang dalawang Best Player of the Conference awards, inaasahan nang wala nang kawala kay Ildefonso ang kanyang ikalawang sunod na Most Valuable Player award.

Ngunit ang hindi inaasahan ay ang pag-sweep sa Best-Player of the Conference award, ang kauna-unahan sa kasaysayan ng PBA matapos makopo ang naturang titulo para sa PBA season-ending Governors Cup kagabi sa awarding ceremonies sa Araneta Coliseum.

Ito ang ikalimang Best Player of the Conference award ni Ildefonso na nagdiwang ng kanyang ika-25 kaarawan noong Sabado lamang at ito ang naging pinakabatang PBA player na nanalo ng ikalawang MVP title.

Nagtapos bilang ika-apat sa statistical race si Ildefonso sa ikatlong kumperensiyang ito, ngunit tinalo nito sa botohan ang pinakamahigpit na contender na si Dennis Espino ng Sta. Lucia Realty.

Umani si Ildefonso ng kabuuang 2,055 puntos, 474 mula sa statistics, 564 mula sa 16 media votes, 537 mula sa 22 players votes at 480 mula sa tatlong miyembro ng 5-man committee na kinabibilangan ng mga kinata-wan ng Viva Vintage, PBA Press Corps, Philippine Sportswriters Association, Sports Communicators Organization of the Phillippines at PBA photographers.

Walang iba kundi si Mark Caguioa ng Barangay Ginebra ang tinanghal na Rookie of the Year, habang naungusan naman ni Rey Evangelista ng Purefoods si Gerard Francisco para sa Sportsmanship award.

Kabilang naman sa All Defensive team sina Chris Jackson ng Shell, Espino at Marlou Aquino ng Sta. Lucia, Evangelista ng Purefoods at Patrick Fran ng Mobiline.

Tinanghal naman na Best Import ng Governors Cup si Damien Owens sa kanyang inaning 1,878 total points matapos kumuha ng 910 puntos sa 22 media votes, 648 puntos sa 27 players votes at 320 mula sa 2 miyembro ng 5-man committee.

ALL DEFENSIVE

ARANETA COLISEUM

BELANO

BEST IMPORT

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

DAMIEN OWENS

GAME TWO

GOVERNORS CUP

ILDEFONSO

LUCIA REALTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with