^

PSN Palaro

Ateneo-Pioneer nagsiguro sa PBL Challenge Cup

-
Naglabas ng intensibong opensa ang Ateneo-Pioneer sa huling bahagi ng laro upang pataubin ang Kutitap Toothpaste, 68-60 sa pagpapatuloy ng 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Isang 15-0 salvo ang inilatag ng Blue Eagles Insurers na pinangunahan ni Leo Avenido na humakot ng 23 puntos katulong si Enrico Villanueva sa pagpasok ng final canto upang ihatid ang Ateneo sa ikapaat na panalo, habang nalasap naman ng Teet Sparklers ang ikalimang talo sa walong laro.

"It’s now a three-game streak for us but the bad news is, Billy Mamaril’s loss will be a big setback for us. Good thing, our big guys--Enrico Villanueva, Miguel Noble, Paolo Bugia and Rich Alvarez--all stepped up to fill up the void," pahayag ni Ateneo-Pioneer coach Ricky Dandan.

Hindi naasahan ng Blue Eagles Insurers si Mamaril dahil sa pagkabali ng kanyang bukung-bukong sa kalagitnaan ng laro dahilan upang dalhin siya sa hospital.

Sa kabila ng pagkawala ni Mamaril, nagawang magpa-kakatag ng Ateneo-Pioneer at tatlong ulit itong nakipagpalitan ng pakikipagtabla at 10 ulit namang nakipagpalitan ng trangko.

Huling hinawakan ng Kutitap ang pangunguna sa 53-47 matapos ang layup ni Ricky Natividad bago nanalasa sina Avenido at Mamaril at agawin ang tempo sa 62-53, 2:28 ang nalalabing oras bago nawala si Mamaril.

Sa ikalawang laro, pinigil ng Welcoat Paints ang Montana Pawnshop sa free throws sa overtime upang wakasan ang kanilang apat na sunod na kabiguan matapos ang 72-63 panalo.

Nagposte si Yancy de Ocampo ng 18 puntos, bukod pa ang 19 rebounds upang ihatid ang Welcoat sa ikaapat na panalo matapos ang apat na sunod na dagok.

Ang panalo ng Ateneo-Pioneer at Welcoat ang naghatid sa kanila sa pakikisosyo sa ikaapat na puwesto.

"Finally, nanalo rin. The problem is Welcoat has been used as gauge by other teams. Kapag natalo nila kami, they can beat every other team,"  sambit naman ni Welcoat coach Junel Baculi.

"Another thing is, the players failed to keep up their intensity. At least kanina, medyo lumabas ng konti ang character nila," dagdag pa ni Baculi.

Hindi na sana dumaan pa sa overtime ang laro matapos na iseguro ni Ren Ren Ritualo ang kampanteng katayuan sa 62-59 matapos ang kanyang jumper, may 8.9 segundo ang nalalabi sa laro.

Ngunit sa hindi inaasahan, aksidenteng pumukol si Mark Macapagal ng buzzer-beating triples na pumasok dahilan upang mahatak ang laro sa panibagong limang minuto.

Bukod kay de Ocampo, nagdagdag rin si Brixter Encarnacion ng 12 puntos.

ATENEO-PIONEER

BILLY MAMARIL

BLUE EAGLES INSURERS

BRIXTER ENCARNACION

CHALLENGE CUP

ENRICO VILLANUEVA

JUNEL BACULI

KUTITAP TOOTHPASTE

MAMARIL

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with