^

PSN Palaro

Winner take all sa Phil. Star Friendship League

-
Nakataya sa paghaharap ngayon ng ABS-CBN at RCBC ang korona ng kauna-unahang The Philippine Star Friendship League sa kanilang knockout game sa Meralco Gym.

Nakatakda ang engkuwentro ng ABS-CBN at ng RCBC sa alas-10 ng umaga.

Isang malaking upset na panalo ang kapwa naiguhit ng BIBATO champion ABS-CBN at ng RCBC sa cross-over semifinals noong Sabado matapos na patalsikin ang powerhouse San Miguel Beer at ang host The Philippine Star na pinangangasiwaan ni Kevin Belmonte at suportado ng Adidas ay tumapos ng No. 1 at No. 2 team, ayon sa pagkakasunod.

Tinalo ng ABS-CBN ang STAR-men sa iskor na 72-83, habang nalasap ng San Miguel quintet ang 87-85 kabiguan sa mga kamay ng RCBC.

Inaasahan na magiging paborito sa labang ito ang ABS-CBN dahil sa kanilang mga batang manlalaro na inaasahang naghanda ng husto.

Isa sa gagawing sandata ng ABS-CBN ay ang kanilang running game na siyang pumatay sa STARmen at ito ang kailangang tapatan ng RCBC.

Siguradong mangunguna sa opensa ng TVmen si San Pedro, katulong si Garret Cailles at ito ang dapat na ma-check ng RCBC.

Nauna rito, pag-aagawan naman ng San Miguel at STARmen ang konsolasyong ikatlong puwesto sa alas-8:30 ng umaga. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ABS

GARRET CAILLES

KEVIN BELMONTE

MARIBETH REPIZO

MERALCO GYM

PHILIPPINE STAR

PHILIPPINE STAR FRIENDSHIP LEAGUE

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with