Nakatakda ang kanilang laban sa alas-4 ng hapon, matapos ang pag-hihiwalay ng Kutitap at Ateneo-Pioneer.
Kapwa taglay ng Teeth Sparklers at Pioneer-Insurers ang 3-4 kartada kasosyo rin ang Welcoat para sa ikaapat na puwesto, habang nag-iingat naman ang Montana ng 2-6 record sa ilalim ng standings.
Pipilitin ng Teeth Sparklers na maipaghiganti ang kanilang nalasap na 61-75 pagkatalo sa Blue Eagles Insurers noong Dec. 1 sa first round.
At para kay coach Junel Baculi, ang kanilang nalasap na 67-72 pagkatalo sa mga kamay ng Ateneo-Pioneer noong nakaraang Martes ay huli na at hindi na ito masusundan pa.
"It will be hard motivating the players to bounce back from a four-game losing skid. But the point is, we have to get back on track and regain lost esteem," pahayag ni Baculi.
"Weve come to think of it. We went through several challenges before like our 0-3 start on this same conference last year, Maybe, this is another challenge we have to go through in strengthening our character and prepare us for another colorful championship."
Paborito ang Paint Masters na maitatakas ang kanilang panalo kontra sa Jewelers matapos ang kanilang 98-84 pamamayani sa una nilang paghaharap.
Ngunit, siguradong kakayod ng husto ang Montana na mataas ang morale ngayon dahil sa kanilang 99-96 panalo sa overtime kontra Ana Freezers noong Huwebes at umaasa si coach Turo Valenzona na masusustinihan nila ito.