PBA Governors' Cup Finals: SMB babangon sa Game Two
December 7, 2001 | 12:00am
Bentaheng 2-0 ang mahigpit na aasintahin ng Sta. Lucia Realty, habang nais naman ng defending champion San Miguel Beer na maitabla ang serye sa kanilang muling pagkikita ng Realtors sa Game Two ng kanilang best-of-seven championship series sa PBA season-ending Governors Cup sa PhilSports Arena.
Nakauna na sa serye ang Realtors matapos na kunin ang 86-80 panalo sa Game One ng kanilang serye noong Miyerkules sa Araneta Coliseum.
At ang panalong ito ang magsisilbing inspiras-yon ng mga kawal ni coach Norman Black sa kanilang pagtapak sa playing area bandang alas-7:10 ng gabi.
Inaasahan na panibagong gameplan naman ang ipapain ni Black sa Beermen upang tuluyan ng sirain ang kumpiyansa ng Beermen.
Para kay Black ang kanilang serye ay patas lamang dahil hindi naka-kalamang ang Beermen kung tao din lamang ang pag-uusapan.
Kayang dominahin ni import Damien Owens ang reinforcement ng Beermen na si Lamonth Strothers, gayundin sa mga locals ay halos pantay lamang ang match-up.
Humakot si Owens ng 18 puntos, 14 rebounds, 5 assists at 3 blocks.
Isa sa dapat na gawan ng kalutasan ni Uichico ang pagkabutas niya sa opensa hindi lang sa loob, maging sa labas kung saan dito nanalasa ng husto ang Realtors sa kabila ng angat ang Beermen sa rebounds department.
Inaasahan na sa pagpasok ng Game Two, bahagyang may agam-agam si Uichico, dahil baka hindi makalaro ang Fil-Am na si Dorian Peña na sinalanta ng injury sa pagpasok ng final canto sa Game One at isa ito sa inaasahan ng San Miguel na babalikat sa depensa.
Sa nakaraang laro, kumana si Peña ng 17 boards.
Sa kanilang nakaraang paghaharap sa 2000 Commissioners Cup, tanging sa Game Four lamang nanaig ang tropa ni Black at ito ang ayaw ng maulit pa ng Amerikanong mentor kung kayat inaasahan na ibayong kayod ang gagawin nina Marlou Aquino, Dennis Espino, Paolo Mendoza, Gerard Francisco, Cris Tan upang tapatan sina Ildefonso, Danny Seigle, Nic Belasco at iba pa.
Sa taong ito, ibig ni Black na maisubi ang kanyang ika-10 kampeonato na kinabibilangan ng kanyang Grand Slam peat sa dating koponan na San Miguel Beer, at ikaanim naman ang target ni Uichico sapul ng ha-wakan niya ang Beermen. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended