Nagsilbing bayani ng labanan ang Fil-Am na si Michael Hrabak nang pumukol ito ng 24 puntos na kanyang isinalpak sa second half matapos na mabokya sa naunang dalawang period upang iahon ang Turbo Chargers sa kanilang pagkakalubog sa unang tatlong yugto ng laro.
"Im happy that we ended this way. The team is in progress if you will see our performance chart because we had a terrible year last season," pahayag ng guro ng Shell na si Perry Ronquillo.
Ang panalong ito ng Shell ay tila napakatamis para sa kanila dahil tuluyan nang winakasan ng Turbo Chargers ang dominasyon sa kanila ng Panthers na sa tatlong ulit na namayani sa kanila sa tuwing sila ay magsasagupa para sa third place
"I would always like to be our basis for next year and hopefully this could be focal point for us," dagdag pa ni Ronquillo na nagparamdam din na hindi niya tatalikuran ang kanyang koponan para ipagpalit sa iba.
Nauwi sa wala ang pinaghirapan ng Panthers matapos na hawakan ang trangko sa unang tatlong minuto mula sa pagsisikap ni import Rossell Ellis na tumapyas ng career-high 46-puntos sa pagpasok ng final canto.
Mula sa 69-56 pangunguna ng Panthers, nagsimulang kumayod si Hrabak nang manalasa ito ng unang 12 puntos sa third canto upang tabunan ang kanyang malamyang opensa sa first half.
Ngunit nananatiling buo ang composure ng Pop Cola at napanatili nila ang kanilang pangunguna hanggang sa 72-62, pagpasok ng unang tatlong minuto ng final canto.
Subalit hindi rin nawalan ng loob ang Turbo Chargers at isang umuusok na 23-9 salvo ang pinangunahan ni Hrabak na tinampukan ng dalawa niyang tres upang agawin ang pangunguna sa Pop Cola, 85-8, 2:07 na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Gayunman, nananatiling nakadikit ang Panthers hanggang sa 87-83, dito isang krusiyal na pagtatapon ng bola ang ginawa ni Jojo Lastimosa na nagbigay daan kay Hrabak para sa kanyang lay-up ang nagbigay ng kampanteng kalamangan sa Turbo Chargers sa 89-83, patungong 1:08 na lamang ng laro.
Muling nagsikap ang Panthers na maibaba ang kalamangan ng Turbo Chargers, ngunit ang bawat basket nila ay agad ding sinasagot ng Shell.
"Minalas na, nataranta ng umusok si Hrabak. Dating sakit di na naiwasan," ang dismayadong pahayag naman ni coach Chot Reyes sa kanilang kampanya para sa huling kumperensiya.
Tumapos rin si Askia Jones ng 22 puntos, habang nag-ambag naman sina Gerard Esplana, Rob Wainwright at Mark Telan ng double-digits na 15, 14 at 12-puntos, ayon sa pagkakasunod upang suportahan si Hrabak.
Sa panig naman ng Pop Cola, tanging si Poch Juinio lamang ang naka-pagbigay ng suporta kay Ellis nang gumuhit ito ng 10 puntos dahilan upang mabigong maisubi ng Panthers ang third place.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang pinaglalabanan ng defending champion San Miguel Beer at Sta. Lucia Realty ang Game One ng kanilang best-of-seven championship series.