^

PSN Palaro

Alas, kusang loob ng umalis sa TNT

-
Upang maiwasan na ang mga di magagandang naglalabasang ulat, minabuti ni Talk N Text mentor Louie Alas na kusang loob na bumaba sa kanyang puwesto matapos ang dalawang taong pangangampanya ng Phone Pals sa PBA ay nananatili pa rin itong uhaw sa korona.

Ayon kay Alas, ang nasabing hakbang ay parehong desisyon niya at ng Phone Pals.

"We have nothing but the highest regard for Louie Alas. He is a great person and an outstanding individual. We don’t rule out working with him again in the future," pahayag ni Iggy Yenko, ang kinatawan ng team sa PBA board of governor at kasalukuyang PBA chairman.

"I felt that I had done as much as I could for the team and that it was time to move on. The Phone Pals are a talented team with a very supportive management. I believe they have a great future and I wish them well," sabi naman ni Alas na plano rin niyang magtungo ng Amerika upang mag-obserba ng coaching techniques sa NBA at sa iba’t ibang kolehiyo.

Gayunman, nananatili pa ring malaking katanungan kung ang dating MBA coach ay sinibak ba o nagbitiw sa kanyang posisyon.

Ngunit ayon sa mga sources, mismong ang team owner na si Manny Pangilinan ang siyang sumibak kay Alas.

Matatandaan na dalawang linggo na ang nakakaraan, sina Alas at Pangilinan ay nagharap sa isang krusiyal na pulong matapos na malasap ng Phone Pals ang 63-77 pagkatalo sa mga kamay ng San Miguel Beer sa kanilang quarterfinal match dahilan upang maagang magbakasyon sa 2001 ending-season ng PBA.

At sa nasabi ring pulong, mismong si Pangilinan ang siyang nagpapasibak kay Alas na sumapi sa koponan sa pagsisimula ng 2000 season kapalit ng dating guro na si Eric Altamirano na ngayon ay siya ng mentor ng Purefoods TJ Hotdogs.

ALAS

AMERIKA

ERIC ALTAMIRANO

IGGY YENKO

LOUIE ALAS

MANNY PANGILINAN

PANGILINAN

PHONE PALS

SAN MIGUEL BEER

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with