Bacolod handang maging host ng 2005 SEAG
December 4, 2001 | 12:00am
BACOLOD CITY-Nakahandang maging punong-abala ang lungsod na ito ng South East Asian Games na itatanghal sa bansa sa taong 2005 katulong ang Iloilo City.
Ito ang ipinahayag kahapon ni Congressman Monico Puentevella, dating Commissioner ng Philippine Sports Commission na nagsabing magkasamang magbi-bid ang Bacolod at Iloilo bilang co-host ng ika-23rd edisyon ng naturang event.
Nagpahayag na rin ng intensiyon ang Pampanga, Baguio City at iba pa na mag-host ng SEA Games ngunit binibigyan pa rin ng malaking konsiderasyon ang Manila na siyang naging punong abala noong 1991 SEA Games.
Itoy dahil kailangan na lamang ayusin ang mga gaga-miting venues kaysa sa ibang lugar na kailangan pa ng malaking pondo para makapagpatayo ng mga bagong sports facilities.
Samantalang sa Bacolod at Iloilo ay may nakahanda nang venues para sa 32 sports dicipline at may mahigit 1,000 hotels para ma-accommodate ang humigit-kumulang 4,000 atleta, coaches at officials na dadagsa dito sa bansa.
Samantala, sinabi naman ni Puentevella na imu-mungkahi nitong baguhin ang Republic Act 6847 na lumikha ng PSC at gumawa ng bagong batas para magtatag ng department of sports upang maiwasang maisantabi ang sports kapag nagkukulang sa pondo ang gobyerno.
"Whats happening right now is that sports is being treated as second priority in every cabinet meetings," wika ni Puentevella. "So Im filing a bill that would create a department of sports so that it will have representation in the cabinet meetings." (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am