^

PSN Palaro

PBA Governors' Cup Finals: Sta. Lucia vs SMBeer

-
Magaang na naokupahan ng Sta. Lucia Realty ang ikalawa at huling finals slot sa sudden death game nang kanilang sagasaan ang Pop Cola, 86-74 sa PBA season-ending Governors’ Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Ang pagkabutas sa depensa sa unang bahagi pa lamang ng sagupaan na sinamahan pa ng malamyang opensa ang naging susi ng Realtors sa kanilang panalo kung saan iniwan nila agad ang mga kawal ni coach Chot Reyes ng milya-milya upang itiklop ang kanilang best-of-five semifinal series sa 3-2.

Bunga nito, muling makakaharap ng Realtors ang naghihintay na ring defending champion San Miguel Beer para sa best-of-seven titular showdown na magsisimula sa Miyerkules sa Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakarating sa finals ang tropa ni coach Norman Black sa huling kumperensiya simula ng sumali sa liga noong 1992.

Matatandaan na unang nagharap ang Robles franchise at ang Cojuangco franchise sa Commissioner’s Cup noong nakaraang taon kung saan tinalo ng San Miguel ang Sta. Lucia sa 4-1.

Ginawang tuntungan ng Realtors ang kanilang agresibong opensa sa unang canto pa lamang nang manalasa sina Marlou Aquino, Gerard Francisco, Paolo Mendoza at ang import na si Damien Owens at iposte ang unang 20-puntos na abante, 30-10 may 1:32 ang oras sa naturang yugto.

Ang pundasyon ng Realtors ay hindi na nagawang tibagin pa ng Panthers bagamat nagsikap sina Poch Juinio at import Rossell Ellis na ibaba ito, subalit nananatiling buo ang composure ng Realtors at ang tanging oposisyon na nagawa ng Pop Cola ay ang makalapit sa 14-puntos, 47-34 sa pagsasara ng halftime.

Haharapin naman ng Pop Cola ang Shell Velocity sa knockout game para sa konsolasyong ikatlong puwesto.

Sa pagpasok ng third period, bahagyang nabuhayan ng loob ang Pop Cola nang magbaba ng 9-6 run sa pagtutulungan nina Rudy Hatfield at Ellis upang ibaba ang iskor sa 10-puntos, 53-43, 8:53 ang oras.

Ngunit ang biglang pagbulusok ng Pop Cola ay agad ding nanahimik nang muling maghatag ang Realtors ng matibay na depensa dahilan upang mataranta ang Panthers na sinamantala ng Sta. Lucia at muling lumobo ang kanilang kalamangan sa 20-puntos, 74-54, may 6:48 sa final canto.

ARANETA COLISEUM

CHOT REYES

DAMIEN OWENS

GERARD FRANCISCO

LUCIA REALTY

MARLOU AQUINO

NORMAN BLACK

PAOLO MENDOZA

POCH JUINIO

POP COLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with