SMC kontra RCBC, Phil.Star vs. ABS-CBN
December 1, 2001 | 12:00am
Iisa ang layunin ng apat na koponang nakatakdang maglaban-laban ngayon sa cross-over semifinals ng The Philippine Star Friendship League ang masungkit ang nakatayang dalawang finals berth.
Unang magtatangka ang powerhouse San Miguel Corp., na sasagupa sa RCBC sa unang laro sa alas-9 ng umaga, bago sasagupain ng host team The Philippine Star ang five-time BIBATO champion ABS-CBN sa alas-10:30 ng umaga sa Meralco Gym.
Isinara ng SMC-quintet na pinangungunahan ng limang ex-PBA veterans at ng host team The Phil. Star ang kani-kanilang kampanya sa 4-1 kung saan ang SMC Corp., ang siyang nakakuha ng No. 1 slot at nagtabla naman ang ABS-CBN at RCBC sa 3-2 win-loss slate para sa No. 3 at No. 4 posisyon.
Bagamat dinungisan ng RCBC ang kampanya ng SMC nang kanila itong igupo, 88-61, hindi dapat pakakasiguro ang RCBC dahil sa labang iyon, di naglaro ang mga ex-pros at ngayon tiyak na isang mabigat na hamon ang kanilang susuungin kung saan siguradong hahataw na sina Allan Caidic, Samboy Lim, Art dela Cruz, Siot Tanquincen at dating varsity player na si George Ella upang ipalasap sa kanilang kalaban ang kanilang paghihiganti.
Sa kabilang dako naman, kailangan ng ABS-CBN na gumawa ng eks-plosibong performance upang tapatan ang tikas ng STARmen na pinanga-ngasiwaan ni Kevin Belmonte at suportado ng Adidas dahil mayroon na itong pinatunayan sa kanilang paghaharap.
Ang 80-61 pamamayani ng STAR sa kanilang unang pagtitipan ng ABS-CBN ang siyang nais na maduplika ng tropa ni coach Noli Hernandez upang ibulsa ang isang finals berth.
At ang labang ito ay pinaghandaan ng husto ng STAR dahil batid nila na ang isang pagkakamali ang siyang magtutulak sa kanila upang mabalewala ang lahat ng kanilang pinaghirapan.
Kayat ang kapalaran ng STARmen ay muling nakasalalay sa mga balikat nina Jon de Guzman, Alfred Bartolome, Arnel Ferrer, Ting Hojila, Gil Ancheta Noel Cabales at Rene Recto upang tapatan ang lakas ng ABS-CBN. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended