PBL Challenge Cup: Blu kakapit sa liderato
November 29, 2001 | 12:00am
Sisikapin ng Blu Detergent na mapatatag ang kanilang kapit sa solong liderato sa kanilang nakatakdang laban ng Ateneo-Pioneer ngayon sa 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Hawak ang 4-1 kartada, babanggain ng Detergent Kings ang Insurers sa alas-5:30 ng hapon matapos ang banatan sa pagitan ng Welcoat Paints at ICTSI-La Salle sa alas-3:30 ng hapon.
Dahil sa kapwa galing sa kani-kanilang panalo, inaasahang parehong mataas ang kanilang morale kung kayat tiyak na sa breaks lamang magkakatalo ang dalawang koponan.
Pero nasa balikat ng Ateneo ang pressure dahil sa kanilang 1-3 win-loss slate at kailangan nilang gumawa ng matinding opensiba upang mapaganda ang kanilang kasalukuyang kartada.
Tinalo ng Blue Eagles Insurers ang kanilang mahigpit na karibal na ICTSI-De La Salle, 66-49 noong Sabado at ang panalong ito ang inaasahang gagawing inspirasyon ng tropa ni coach Ricky Dandan.
"It was one big win for us and I guess it was what the boys are waiting for to get into the groove. You could feel the boys determination to win and their hardwork paid its reward. Now that they got the feel of how it is to win, hopefully, theyll play with the same hearts, defense and intensity," wika ni Dandan.
Sa laban naman ng ICTSI-La Salle at Welcoat, tiyak na dala ng isat isa ang matinding ngitngit matapos ang kanilang huling kabiguan at ito ang nais na tabunan ng dalawang guro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended