Bunga nito, umahon ang Freezers Kings sa 2-4 record habang nalasap naman ng Jewelers ang kanilang ikaanim na kabiguan matapos ang limang pakikipaglaban.
Naupos ang naipundar na 16-puntos na kalamangan ng Ana na kanilang naitatag sa ikatlong quarter nang isulong ni Mark Macapagal ang Montana na umabante sa 83-82 matapos ang dalawang free throws ni Aries Dimaunahan, 41.4 ang nalalabing oras sa laro.
Umiskor ng tres si Ariel Capus upang muling ibalik sa Freezers Kings ang kalamangan, 85-83 gayunpaman, nakatabla ang Montana nang parehong ikunekta ni Macapagal ang dalawang bonus shots mula sa foul ni Capus, 17.8 segundo pa ang oras sa huling posesyon ng Ana.
Sa harap ng mahigpit na depensa ng Jewelers, nasilip ni Robin Mendoza ang libreng si De Castro na nakapagsagawa ng winning basket bago tumunog ang final buzzer.