PBL Challenge Cup: De Castro isinalba ang Ana
November 28, 2001 | 12:00am
Umiskor si Ariel de Castro ng buzzer beating jumpshot upang isalba ang Ana Freezers kontra sa Montana Pawnshop sa pamamagitan ng 87-85 panalo sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Bunga nito, umahon ang Freezers Kings sa 2-4 record habang nalasap naman ng Jewelers ang kanilang ikaanim na kabiguan matapos ang limang pakikipaglaban.
Naupos ang naipundar na 16-puntos na kalamangan ng Ana na kanilang naitatag sa ikatlong quarter nang isulong ni Mark Macapagal ang Montana na umabante sa 83-82 matapos ang dalawang free throws ni Aries Dimaunahan, 41.4 ang nalalabing oras sa laro.
Umiskor ng tres si Ariel Capus upang muling ibalik sa Freezers Kings ang kalamangan, 85-83 gayunpaman, nakatabla ang Montana nang parehong ikunekta ni Macapagal ang dalawang bonus shots mula sa foul ni Capus, 17.8 segundo pa ang oras sa huling posesyon ng Ana.
Sa harap ng mahigpit na depensa ng Jewelers, nasilip ni Robin Mendoza ang libreng si De Castro na nakapagsagawa ng winning basket bago tumunog ang final buzzer.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended