Ang iba pang umusad sa main draw ay ang top seed at worlds No. 474 Kim Dong-Hyun ng Korea, second pick Hiroki Kondo ng Japan at third seed Maximilian Abel ng Germany.
Ginapi ni Kim ang No. 13 Viekoslav Skenderovic ng Croatia, 4-6, 6-0, 6-2; pina-bagsak ni Kondo si Tsai Chia Yen ng Chinese Taipei, 6-1, 3-6, 6-3 at sinibak ni Abel ang No. 12 Roman Kukal ng Slovak Republic, 6-0, 7-6 (3).
Kinumpleto nina No. 5 Peter Handoyo at No. 8 Febi Widhiyanto ng Indonesia, No. 6 Robert Krause ng South Africa at No. 10 Attapol Rithiwattanapong ng Thailand ang qualifiers ng 32-man main draw ng event na ito na suportado ng ITF Grand Slam Development Fund, PSC, Viva Mineral Water, Manila Midtown Hotel at official ball Wilson.
Pinatalsik ni Handoyo ang No. 9 Hendri Susilo Pramono, 6-3, 6-2; niyanig ni Widhiyanto si Marc Paulik ng New Zea-land, 6-4, 6-3; tinalo ni Krause si Lee Dae-Dong ng Korea, 6-3, 6-1 at kinailangan ni Rithiwattanapong na mag-rally bago niya napayukod ang No. 4 Coenie Van Wyk ng South Africa, 2-6, 6-1, 6-1.
Magpapakita naman ng aksiyon ang mga Filipino wild cards na sina Adelo Abadia, Joseph Arcilla, Michael Mora III ar Joseph Victorino sa main draw ngayong alas-9 ng umaga.