Tanging si World Pool Champion Mika Immonen ang siyang tumapos sa winning streak ng Filipino cue artist na kilala sa buong mundo bilang "The Magician" nang gapiin siya nito sa makapigil hiningang quarterfinal match sa iskor na 11-10.
Isa pang Pinoy si Warren Kiamco, ang dinaig din ni Immonen sa parehong iskor na 11-10 sa isa pang klasi-kong sagupaan sa semifinals. Ngunit hindi naipagpatuloy ni Immonen ang kanyang winning run nang mabigo siya sa finals kontra US open champion Corey Deuel sa nasabi ring iskor, 11-10.
Ibinulsa ni Deuel ang premyong $15,000.
Dahil sa pagkatalong nalasap ni Reyes, naipaghiganti ni Immonen ang kanyang kabiguan sa "The Magician" noong nakaraang October sa Accu 8-Ball Invitational at sa pagkabigo rin niyang makapasok sa finals ng Tokyo 9-Ball International, ang siyang pinakamalaking tournament sa kasaysayan ng billiards na pinagwagian naman ni Reyes at ang World Pool League na pinanalunan rin ng tubong San Fernando, Pampanga na si Reyes na ginanap naman sa Warsaw, Poland noong nakaraang dalawang linggo.
Kabilang sa mga naunang tinalo ni Reyes sa nasabing tournament ay ang Filipino na si Alex Pagulayan na naka-base sa Canada, 11-9 sa round of 32 bago winalis si Kiyotaka Ohashi, 11-2 sa round of 16.
Nakatakdang bumalik si Reyes sa Manila sa Huwebes kung saan dala nito ang P12 milyong premyo sa kanyang apat na major tournaments, dalawa sa one-on-one match kontra Earl Strickland sa $15,000 sa Color of Money Part II sa Casino Filipino, Parañaque at sa $10,000 Billiard Challenge kontra naman sa top womens player na si Jeanette Lee noong nakaraang Nov. 3.