200 pribadong kumpanya tutulong sa NYG-Batang Pinoy
November 26, 2001 | 12:00am
Dalawamput-dalawang pribadong kumpanya ang tutulong sa pagtatanghal ng ikatlong Philippine National Youth Games-Batang Pinoy sa Panaad Sports Complex sa Bacolod City sa December 1-7.
Nakakuha ng sponsorship ang Philippine Sports Commission sa Negros Navigation, Automated Technology Phil. Inc., Dunlop Slazenger Phils., Kyx-Eljan Ventures, Frabelle Fishing Corporation, DWW774 AM, Hidden Springs, Land Bank, National Sports Grill, Nestle-Milo Sportsfest, Pascual Lab., Inc., Philippine Air Lines, Philippine Daily Inquirer, The Philippine Star, Reliv, Smart Communications, Sonia Trading (Asics, Mikasa, Butterfly at Nittaku), Speedo, Unilever, Victor Sports Corp., West Negros College at WG&A.
"This sponsorship from private sectors are just for starters. The PSC would like to whip up an example for the local sports councils to follow in as much as securing private sector support for grassroots sports development is concerned," pahayag ni PSC Commissioner Amparo "Weena" Lim, project director ng Batang Pinoy.
Bukod sa mga nabanggit na kumpanya, katulong din sa pagdaraos ng 15-sports competition para sa mga batang may edad na 12 at pababa, ang local governments ng Bacolod at Negros Occidental.
Ayon kay Lim, nagsagawa ang Batang Pinoy Secretariat ng apat na management and marketing seminars sa Baguio City, PhilSports sa Pasig City, Bacolod City at General Santos City upang turuan ang mga local sports councils.
Sa tulong ng pribadong sektor, maitataguyod ng local sports councils ang kanilang sports development program partikular na sa grassroots level.
Ang Philippine Sports Commission ang pangunahing tagapagtaguyod ng proyektong ito na magkakaroon ng kumpetisyon sa athletics, badminton, boxing, chess, dancesports, football, gymnastics, karatedo, baseball, swimming, lawn tennis, table tennis, taek-wondo, volleyball at little league baseball at softball.
Ang nasabing ikatlong edisyon ng Batang Pinoy, ang kauna-unahang national sports competition sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magbubukas sa Sabado kung saan ang Pangulo mismo ang siyang inimbitahang maging panauhing pandangal at tagapagsalita.
Sa kabila ng maliit na budget, lubos pa ring susuportahan ng PSC ang pag-daraos ng nasabing palaro upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kaba-taan na maipamalas ang kani-kanilang talento at makadiskubre ng mga talento mula sa grassroots level na siyang huhubugin para sa hinaharap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended