Ngunit ang tagumpay ni Reyes at Kiamco ay nalukuban ng lungkot matapos na mabigo ang kababayang sina Francisco "Django" Bustamante, Rodolfo Luat, Antonio Lining at Ramil Gallego na pawang nasibak mula sa Losers bracket.
Sina Reyes at Kiamco ay nakatakdang sumabak sa round of 16 matapos ang kanilang parehong naitalang panalo kontra sa Canada-based Filipino Alex Pagulayan, 9-5, habang tinalo naman ni Kiamco ang Chinese-Taipei player sa nasabi ring iskor, 9-5 sa round of 32.
Sina Reyes, nanalo sa World Pool League sa Warsaw, Poland noong nakaraang linggo kung saan kanyang ginapi ang British snooker ace Steve Davis sa finals at si Kiamco, natalo kay Reyes sa semifinals ng Tokyo 9-Ball International ang nalalabi na lamang pag-asa ng bansa sa pinakamalaking tournament sa kasaysayan ng pool sa round of 16 na lalaruin ngayon.
Kabilang pa sa mahigpit na makakalaban nina Reyes at Kiamco ay sina World Pool Champion Mika Immonen, US Open champion Corey Deuel at five-time US Open at World Champion Earl "The Pearl" Strickland, na pawang magtatangkang pigilan ang pananalasa ng tinaguriang "The Magician" sa kanyang winning streak.
Sa kasalukuyan, limang major tournaments na ngayong taon kabilang ang isang one-on-one match nito kontra kay Jeanette Lee at nagbulsa na ito ng hindi bababa sa P12 milyon.