PBA Governors'Cup: 2nd win tutumbukin ng San Miguel at Pop Cola
November 25, 2001 | 12:00am
Nasorpresa ang lahat sa paglalaro ni Danny Seigle lalo na ang Shell Velocity.
Buhat sa napakatagal na back injury, nagbalik aksiyon si Seigle at naglaro lamang ng 21 minuto.
Ngunit sa loob ng 21 minutong ito ay malaki na ibinahagi ng 2000 Rookie of the Year sa kanyang tinapos na l6-puntos bukod pa sa kanyang siyam na rebounds.
Ito ay malaking tulong para kay import Lamont Strothers para ihatid ang defending champion San Miguel Beer sa 89-84 pamamayani kontra sa Shell Velocity kamakalawa sa pagbubukas ng semifinal round ng PBA season-ending Governors Cup sa Ynares Center.
Nasorpresa man ang Turbo Chargers sa unang laro, hindi na sa Game-Two ng best-of-five semis series na gaganapin sa Araneta Coliseum ngayong alas-4:05 ng hapon.
Siguradong paghahandaan ng Shell ang laban ngayon at maaaring makabawi kung sorpresang paglalaruin din ngayon si Benjie Paras.
"Late na kami nag-decide na palaruin si Danny pero hindi naman na-off guard ang Shell, kulang lang sila sa preparation," pahayag ni San Miguel coach Jong Uichico.
Tulad ng San Miguel, nakuha rin ng Pop Cola Panthers ang 1-0 bentahe kontra sa Sta. Lucia Realty matapos itakas ang 76-75 panalo.
Magkasamang buwenas at depensa ang naging susi sa nakaraang panalo ng Pop Cola kayat inaasahan ni coach Chot Reyes na magiging mahirap ang daan sa kanilang kampanya patungong finals.
"They (Sta. Lucia) have big men kasi nandiyan si Damien Owens, Dennis Espino and Marlou Aquino. We practically dont have a good chance inside so we have to shoot from the outside.
Kung di pa rin makakalaro si Paras na binalikan ng injury sa tuhod, ibayong pagtratrabaho ang inaasahan mula kina import Askia Jones, Mark Telan, Gerry Esplana, Cris Jackson, Jun Marzan, Mike Hrabak, Rob Wainwright at iba pa.
Babandera sina Rossell Ellis, Rudy Hatfield, Poch Juinio, Jojo Lastimosa at Nelson Asaytono para sa Panthers na umaasang makakabalik na rin sa aksiyon ang na-injured na si Johnny Abarrientos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended