Nananatili ring malinis ang katayuan ni Rodolfo Boy Samson Luat na taliwas kay Francisco Django Bustamante, semifinalist sa nakaraang World Pool League sa Warsaw, Poland nang malaglag ito sa losers bracket matapos na mabigo sa mahigpitang 9-8 iskor kontra Chinese-Taipeis Chen Wei-Chih.
Maningning na performance ang ipinamalas ni Reyes, nanalo ng World Pool League title noong nakaraang linggo makaraang ibulsa ang pinaka-mayamang premyo sa kasaysayan ng pool nang kanyang isubi ang Tokyo 9-Ball international title at ang top prize na $160,000 nang kanyang bokyain si Akihiro Asakuma, 9-0.
At sa ikalawang araw ng kompetisyon sa hotel New Archaic, ipinakita naman ni Reyes ang kanyang mataas na reputasyon bilang isang "The Magician" dahil sa kanyang mga panalo kontra sa mahuhusay na manlalaro sa mundo at gapiin si Haruyoshi Hinokiyama, 9-6 upang umusad sa susunod na round kasama si Luat.
Winalis rin ni Luat si Masashi Kiyokawa sa opening day, 9-0 bago naungusan ang isa pang Japanese na si Mitsuaki Itsuno, 9-7 sa ikalawang laban.