^

PSN Palaro

Reyes nanalasa uli sa Japan

-
Patuloy si Efren ‘Bata’ Reyes sa kanyang pananalasa sa unang dalawang araw ng kompetisyon sa 34th All Japan Championship na ginaganap sa Amagasaki City nang kanyang talunin ang Japanese na kalaban sa nasabing dalawang laro.

Nananatili ring malinis ang katayuan ni Rodolfo ‘Boy Samson’ Luat na taliwas kay Francisco ‘Django’ Bustamante, semifinalist sa nakaraang World Pool League sa Warsaw, Poland nang malaglag ito sa loser’s bracket matapos na mabigo sa mahigpitang 9-8 iskor kontra Chinese-Taipei’s Chen Wei-Chih.

Maningning na performance ang ipinamalas ni Reyes, nanalo ng World Pool League title noong nakaraang linggo makaraang ibulsa ang pinaka-mayamang premyo sa kasaysayan ng pool nang kanyang isubi ang Tokyo 9-Ball international title at ang top prize na $160,000 nang kanyang bokyain si Akihiro Asakuma, 9-0.

At sa ikalawang araw ng kompetisyon sa hotel New Archaic, ipinakita naman ni Reyes ang kanyang mataas na reputasyon bilang isang "The Magician" dahil sa kanyang mga panalo kontra sa mahuhusay na manlalaro sa mundo at gapiin si Haruyoshi Hinokiyama, 9-6 upang umusad sa susunod na round kasama si Luat.

Winalis rin ni Luat si Masashi Kiyokawa sa opening day, 9-0 bago naungusan ang isa pang Japanese na si Mitsuaki Itsuno, 9-7 sa ikalawang laban.

AKIHIRO ASAKUMA

ALL JAPAN CHAMPIONSHIP

AMAGASAKI CITY

BOY SAMSON

CHEN WEI-CHIH

HARUYOSHI HINOKIYAMA

LUAT

MASASHI KIYOKAWA

REYES

WORLD POOL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with