^

PSN Palaro

PBA Governors'Cup: Pop Cola naka-una na

-
Kaakibat ng mahusay na depensa ng Pop Cola Panthers sa huling maiinit na segundo ng labanan at kaunting suwerte upang itakas ang 76-75 panalo kontra sa Sta. Lucia Realty sa pagbu-bukas ng semifinal round ng PBA season-ending Governors Cup sa Yna-res Center sa Antipolo City kagabi.

Nasayang ang pagpupursigi ni Paolo Mendoza na isalba ang Realtors nang mabigong makapuntos ang Sta. Lucia sa dalawang huling mahahalagang posesyon na nagkaloob sa Panthers ng 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five semis series.

Umiskor si Mendoza ng jumper para sa kanyang ikasiyam na sunod na puntos na naglapit sa Sta. Lucia sa 75-76, 40 segundo pa ang nalalabing oras sa laro.

Nagkaroon ng pagkakataong maagaw ng Sta. Lucia ang pangunguna sa huling 11 tikada ng labanan ng makahugot ng foul si import Damien Owens mula kay Pop Cola import Rossell Ellis ngunit parehong pumaltos ang kanyang dalawang bonus shots.

Humantong sa jump-ball ang pag-aagawan ng rebound sa pagitan nina Ellis at Dennis Espino at nakuha ng Realtors ang posesyon nang matapik ni Espino ang bola sa import na agad humingi ng time-out para makapaghanda ng play ang Sta. Lucia sa huling anim na segundong natira.

Ngunit dahil na rin sa pinagsamang magandang depensa ng Pop Cola at dahil na rin sa suwerte, isang alahoy na tira na lamang ang naisagawa ni Espino na nabigo ring ma-follow-up ni Owens.

Naupos ang oras ng Sta. Lucia dahil wala itong makitang mapasahan at nang masilip nito si Cris Tan ay nagawang sundutin ni Ellis ang bola na hinabol pa ni Tan sa kabi-ang court bago nito naipasa kay Espino na siyang nagpakawala ng desperadong tangka.

Samantala, bagamat wala pang naitatalagang coach, ipinahayag nina Fil-Ams Eric Menk ng Tanduay Gold Rhum at Paul Asi Taulava ng Talk N Text, Dondon Hontiveros ng Rhummasters at John Arrigo ng Alaska ang kanilang intensiyong makasama sa National team na isasabak sa Asian Games sa susunod na taon.

Handang sumailalim ang apat na players na kasama ni PBA Commissioner Jun Bernardino sa Ad Congress sa Cebu City, sa tryout na isasagawa ng PBA sa Enero 3 hanggang Pebrero 3.

Sa ilalim ng proposal ni Bernardino na ihahain nito sa board meeting sa Lunes, 24-players ang pipiliin sa tryout na bukas para sa lahat at ito’y hahatiin sa dalawang koponan na kikilalanin bilang Blue at Red team.

Ang dalawang koponan ay makakasama ng 10-regular team members sa Commissioners Cup na siyang bubungad ng 2002 season ng PBA.

AD CONGRESS

ANTIPOLO CITY

ASIAN GAMES

CEBU CITY

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

COMMISSIONERS CUP

CRIS TAN

DAMIEN OWENS

DENNIS ESPINO

POP COLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with