Sa katunayan, di kasama si Reyes sa roster ng mga kalahok, pero sa tulong ng magkapatid na Jose at Aristeo Putch" Puyat, kanilang ginastusan si Reyes kasama ang iba pang Filipino cue artist na ni-request ng organizers para anyayahan si Reyes bilang karagdagan kay Francisco Django" Bustamante upang isabak sa dalawang British players na kanila ring inimbitahan si Steve Davis at ang nakaraang taong World Pool League champion Steve Knight.
Sariwa pa sa kanyang record-breaking na $160,000 tagumpay sa Tokyo 9-Ball International tournament noong nakaraang linggo, natalo lamang si Reyes ng isang match patungo sa kanyang pagkopo ng titulo sa Poland.
Matapos ang mahigpitang pakikipaglaban sa kababayang si Francisco Django Bustamante sa semifinals na kanyang napagwagian sa iskor na 7-6, nakaharap ni Reyes ang British snooker ace Steve Davis, ang nakalaban naman ng World Pool Champion Mika Immonen sa finals.
Natalo si Reyes sa kanyang final Group 2 match kay Immonen, ngunit hindi siya nag-aksaya ng pagkakataon nang makaharap naman niya si Davis at itinakas ang 9-5 panalo. Nakuha ni Reyes ang 4-1 kalamangan, pero ginamit ni Davis ang kanyang clinical attack at depensa upang maitabla ang iskor sa 5-5 sa harapan ng standing room only crowd sa University of Warsaw Arena.
Hindi nabahala si Reyes at muli siyang nakabalik sa dating porma matapos na magpamalas ng ilang spectacular shots sa sumunod na apat na racks, habang pinapanood na lamang ni Davis ang kanyang pagkatalo.
"I was lucky tonight because Steve made a couple of mistakes and left the balls out for me. I always like to play him because he is such a good player. I am delighted to have won this tournament in front of such a great crowd," pahayag ni Reyes.