^

PSN Palaro

Bata, Django umusad sa World Pool League

-
Ipinagpatuloy nina Efren "Bata" Reyes at Francisco "Django" Bustamante ang kanilang pananalasa matapos na maka-entra sa semifinals ng World Pool League na ginaganap sa Poland.

Dinuplika ni Reyes, sariwa pa sa kanyang record-breaking na panalo sa $160,000 sa Tokyo 9-Ball International, ang pinakamalaking tournament sa kasaysayan ng pool, ang kanyang opening day victory kontra hometown hero Radoslaw Babica, 7-3 nang magtala rin ito ng katulad na 7-3 tagumpay laban naman sa nakaraang taong kampeon na si Steve Knight ng Britain.Bata

Hindi rin nagpahuli si Bustamante nang umagaw ito ng eksena kay Reyes matapos na itakas ang kontrobersiyal na panalo kontra sa five-time world champion Earl Strickland, 8-2 nang kanyang parisan ang panalo ng tubong San Fernando, Pampanga na si Reyes sa iskor na 7-3 kontra naman sa kasalukuyang European champion Rico Diks.

Bahagyang pinakaba ni Diks si Bustamante nang kunin nito ang 3-2 kalamangan sa punom-punong University of Warsaw Arena, ngunit lumasap ang Dutchman ng kamalasan na sinamantala naman ni Bustamante upang linisin ang limang racks at agawin ang tempo ng laro.

Sina Bustamante at Reyes ay mapapasabak ngayon sa krusiyal na laban sa kani-kanilang grupo at kapwa kailangan nilang manalo upang maiwasan ang kanilang paghaharap sa semifinals.

Sasagupain ni Reyes ang wala pang talong World Pool Champion Mika Immonen ng Finland na nanaig kontra Babica, 6-4 at Steve Knight, 6-4 sa Group 2, habang makikipagtumbukan naman si Bustamante sa napatalsik ng si Steve Davis ang snooker ace ng Britain sa kanyang final Group 1 match.

BALL INTERNATIONAL

BATA

BUSTAMANTE

EARL STRICKLAND

RADOSLAW BABICA

REYES

RICO DIKS

SAN FERNANDO

SINA BUSTAMANTE

STEVE KNIGHT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with