Pinoy pugs naka-silver lang

WARSAW, Poland -- Yumukod si flyweight Violito Payla sa Polish na si Andrzej Rzany sa labang makikita na kontrolado ng majority tungo sa kanyang pagsungkit lamang ng silver sa pagtiklop ng Feliks Stamm International Boxing Championships dito noong Sabado.

Si Payla ay lumasap ng nakakadismayang 18-14 kabiguan sa mga kamay ni Rzany kung saan nakuntento lamang ang Team Philippines sa kanilang naibulsang isang silver at dalawang bronze mula kina Roel Laguna at Vincent Palicte.

Agad na naglabas ang 22-anyos na si Payla ng hooks para sa kanyang target na sinabayan pa ng 1-2 combinations na siyang dahilan upang bahagyang mahilo ang kanyang kalaban sa kalagitnaan ng rounds, bago isang malinis na left straight ang muli niyang ibinigay kay Rzany sa huling bahagi ng third round.

Hindi man lamang nakapagpatama ang Polish na sinusuportahan ng crowd sa pinaalpasan nitong body shots at right crosses kay Payla, ngunit nasukol siya sa grounds habang umaasinta ng jabs at suntok upang manatiling nasa kontrol.

Pero nagsimula ng sumayaw si Rzany sa huling 1:11 minuto ng labanan at dito kitang-kita na ang panalo ng Pinoy, subalit nang igawad ang iskor ay pabor sa Polish pug.

Ang panalo ni Rzany ang ikaanim na golds ng host country kung saan tatlo ang napagwagian ng Russians at Belarus, habang tig-isang gold naman ang Scotland at Ireland.

Show comments