^

PSN Palaro

'Bata' kampeon sa Japan tutungo naman sa Poland

-
Umalis ng Japan si Efren ‘Bata’ Reyes patungong Poland bitbit ang isang malaking tagumpay makaraang makopo ang Tokyo 9-Ball championships, ang pinakamayaman at pinakamalaking international billiard tournament na itinanghal.

Lalaro si Reyes sa $50,000 World Pool League sa Warsaw sa Nobyembre 16-18 na katatampukan ng walong inimbitahang pool pros ka kinabibilangan ni nagdedepensang kampeon na si Mika Immonen ng Finland, 5-time world champion Earl Strickland ng US at ang kababayang si Francisco ‘Django’ Bustamante.

Magaan na dinaig ng 47 anyos na tinaguriang "The Magician" si Niels Feijen, 15-7 sa finals ng Tokyo Meet upang muling madagdagan ang kanyang makulay na career at magbaon din ng 20 million yen (US$ 160,000).

Ito ang ikalawang major title ni Reyes ngayong taon. Una ay nang talunin niya si Strickland, 13-9 sa finals ng First US Masters Championship sa Chesapcake, Virginia. Nagwagi din siya sa Accu-Stats 8-Ball Invitational sa Los Angeles bago manaig sa kanyang one-on-one match kontra sa babaeng world pool champion na si Jeanette Lee.

vuukle comment

ACCU-STATS

BALL INVITATIONAL

EARL STRICKLAND

JEANETTE LEE

LOS ANGELES

MASTERS CHAMPIONSHIP

MIKA IMMONEN

NIELS FEIJEN

REYES

TOKYO MEET

WORLD POOL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with