Makakaharap ng Blue Eagles Insurers ang wala pang panalong Montana Pawnshop sa alas-3:30 ng hapon, habang sasagupain naman ng ICTSI Archers ang Ana Freezers sa main encounter sa alas-5:30 ng hapon.
Ang Ateneo-Pioneer at De La Salle ay muntik ng di sumali sa liga matapos ang ipinalabas na desisyon ng Games and Amusements Board, ngunit naisalba sila sa ipinalabas na kautusan ng Malacañang na Status Quo Ante para sa Philippine Basketball League.
"Were just glad we could still play in the PBL," ani ICTSI-De La Salle coach Franz Pumaren na nagpalakas ng kanyang lineup sa paghugot sa bagong recruits na sina Mike Cortez, Miguel Gozum at University of the East standout James Yap upang tulungan sina Alvin Castro, Willy Wilson, Ronald Cuan, Adonis Sta. Maria at Bernzon Franco.
Inaasahan na mapapalakas ng nagbabalik na si BJ Manalo na kagagaling lamang sa injury ang kampanya ng kanilang koponan na may suportang makukuha mula kina Manuel Ramos, Raymund Magsumbol, Nelbert Omolon at ex-pros Dominic Uy, Jessie Cabanayan at Rommel Daep.
Siguradong babawi ang Ana Freezers sa kanilang pagkatalo sa mga kamay ng Blu Detergent 68-90 noong Martes upang mapaganda ang kanilang 1-2 karta.