^

PSN Palaro

PBL Challenge Cup: Ateneo-Pioneer, DLSU-ICTSI sasabak na

-
Iisa ang layunin ng Ateneo-Pioneer at International Container Terminal Services Inc. (ICTSI)-De La Salle University na maging maganda ang kanilang debut sa nakatakda nilang hiwalay na laban sa 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Makakaharap ng Blue Eagles Insurers ang wala pang panalong Montana Pawnshop sa alas-3:30 ng hapon, habang sasagupain naman ng ICTSI Archers ang Ana Freezers sa main encounter sa alas-5:30 ng hapon.

Ang Ateneo-Pioneer at De La Salle ay muntik ng di sumali sa liga matapos ang ipinalabas na desisyon ng Games and Amusements Board, ngunit naisalba sila sa ipinalabas na kautusan ng Malacañang na Status Quo Ante para sa Philippine Basketball League.

"We’re just glad we could still play in the PBL," ani ICTSI-De La Salle coach Franz Pumaren na nagpalakas ng kanyang lineup sa paghugot sa bagong recruits na sina Mike Cortez, Miguel Gozum at University of the East standout James Yap upang tulungan sina Alvin Castro, Willy Wilson, Ronald Cuan, Adonis Sta. Maria at Bernzon Franco.

Inaasahan na mapapalakas ng nagbabalik na si BJ Manalo na kagagaling lamang sa injury ang kampanya ng kanilang koponan na may suportang makukuha mula kina Manuel Ramos, Raymund Magsumbol, Nelbert Omolon at ex-pros Dominic Uy, Jessie Cabanayan at Rommel Daep.

Siguradong babawi ang Ana Freezers sa kanilang pagkatalo sa mga kamay ng Blu Detergent 68-90 noong Martes upang mapaganda ang kanilang 1-2 karta.

ADONIS STA

ALVIN CASTRO

ANA FREEZERS

ANG ATENEO-PIONEER

BERNZON FRANCO

BLU DETERGENT

BLUE EAGLES INSURERS

CHALLENGE CUP

DE LA SALLE

DE LA SALLE UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with