Ayon kay Philippine Taek-wondo Association president Robert N. Aventajado, tanging taekwondo-jins 14-anyos and below sa affliated schools, chapters at branches sa buong Metro Manila at iba pang siyudad at probinsiya kabilang ang military at police dependents ang ubrang sumali sa nasabing kompetisyon.
Ang kompetisyon ay lalaruin sa limang divisions itoy ang boys novice, advance at blackbelt at girls novice at advance. Ang bawat division ay hahatiin sa sumusunod na height classes: 40 feet, 40 to 43, 43 to 46; 46 to 49; 49 to 50; 50 to 53 at over 53.
Ang naturang event ay bahagi ng PTAs grassroots program , ayon kay vice president Sung Chon Hong upang mabigyan ang mga kabataang lalaki at babae ng tsansa na ma-develop ang kani-kanilang estilo sa maagang edad.