^

PSN Palaro

National Age-group Taekwondo tourney

-
Mahigit sa 1,500 boys and girls ang inaasahang lalahok sa 2001 Milo National Age Group Taekwondo Championship sa Nov. 17-18 sa Ninoy Aquino Stadium.

Ayon kay Philippine Taek-wondo Association president Robert N. Aventajado, tanging taekwondo-jins 14-anyos and below sa affliated schools, chapters at branches sa buong Metro Manila at iba pang siyudad at probinsiya kabilang ang military at police dependents ang ubrang sumali sa nasabing kompetisyon.

Ang kompetisyon ay lalaruin sa limang divisions ito’y ang boys novice, advance at blackbelt at girls’ novice at advance. Ang bawat division ay hahatiin sa sumusunod na height classes: 4’0 feet, 4’0 to 4’3, 4’3 to 4’6; 4’6 to 4’9; 4’9 to 5’0; 5’0 to 5’3 at over 5’3.

Ang naturang event ay bahagi ng PTA’s grassroots program , ayon kay vice president Sung Chon Hong upang mabigyan ang mga kabataang lalaki at babae ng tsansa na ma-develop ang kani-kanilang estilo sa maagang edad.

ADVANCE

AVENTAJADO

AYON

MAHIGIT

METRO MANILA

MILO NATIONAL AGE GROUP TAEKWONDO CHAMPIONSHIP

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE TAEK

ROBERT N

SUNG CHON HONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with