Asia at Pacific Regional championship sa Manila
November 14, 2001 | 12:00am
Inaasahang malaking pagbabago sa Little League Baseball program sa bansa ang siyang tampok sa pagdaraos ng Asia at Pacific regional championships sa Manila, ayon kay Nueva Ecija Gov. Tomas Joson, ang bagong nahalal na chairman ng Little League Baseball Philippines, Inc.
"We have a busy schedule ahead next year, including the Little League Philippine Series at Asia at Pacific regionals," ani Joson sa PSA Forum kahapon sa Holiday Inn Manila.
Kasama ni Joson sa forum na hatid ng Agfa, Red Bull at McDonalds ay si Little League Philippines president at chief operating officer Serge Bernal na nagsabing aabot sa 350 players at opisyales mula sa 11 nations ang siyang darating sa dalawang Little League international tournaments na nakatakda sa July 28-Aug.4 sa Rizal Memorial ballpark.
Sinabi pa ni Joson na ang bansa ang siyang magiging punong abala sa Little League Philippine Series sa Abril 27-May 4 sa susunod na taon na idaraos sa ibat ibang provincial capital ng Cabanatuan, Palayan City at Talavera at umaasa siya na aabot sa 66 koponan mula sa buong bansa, 41 team sa baseball sa lahat ng age-group categories at 25-teams sa softball ang magpapartisipa.
Ayon naman kay Bernal, maglalaban ang mga koponan mula sa China, Japan, South Korea at Hongkong sa Asia Regionals, habang ang Philippines, Guam, New Zealand, CNMI-Saipan, New Caledonia at Indonesia ang siya namang maghaharap-harap sa Pacific eliminations series.
Ang magiging kampeon sa bawat regional ang siya namang magku-qualify sa Little League World Series sa Williamsports Pennsylvania mula July 28 hanggang Aug. 4 sa susunod na taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended