^

PSN Palaro

Walang rematch sina Pacquiao at Sanchez

-
Sinabi kahapon ng Amerikanong abogadong si Sydney Hall na siyang nagtrabaho ng husto sa big-time boxing promoter Murad Muhammad na "there won’t be a rematch" sa pagitan nina IBF super bantamweight champion Manny Pacquiao at WBO champion Agapito Sanchez na madugong naglaban sa anim na rounds noong Linggo at idinagdag pa nito na "Sanchez isn’t worth it. Manny has better fish to fry."

Iisa rin ang opinyon ng Amerikanong trainer na si Freddie Roach na gaya ng kay Hall nang kanyang kondinahin si Sanchez kung saan inakusahan niya itong " deliberately fouling Manny over and over," ani Roach hinggil sa pagbibigay ng referee na si Marty Denkin ng parusa kay Sanchez ng dalawang ulit kung saan makikitang mahigit sa 20 ulit na binigyan ni Sanchez si Manny ng low blow.

"Disgrace to boxing who should have his license taken away," ang galit na pahayag ni Roach na siyang nangasiwa kay Pacquiao sa isang sensational sixth round KO kontra South African champion Lelohonolo Ledwaba noong nakaraang Hunyo sa Las Vegas.

Lubos din na humanga si Murad Muhammad na siyang nag-ayos ng title fight ni Pacquiao kontra Ledwaba at nag-promote ng unification fight ni Sanchez at sinabi nitong siya ay "very proud" kay Pacquiao ang 22-anyos na Filipino at "has nothing to be ashamed of Manny is a bigger star now because of the bad decision."

Galit na galit si Pacquiao sa paraan ng pakikipaglaban ni Sanchez kung saan dinala siya nito sa canvass at tinukuran ang kanyang mga hita na ayon kay Pacquiao ay hindi ito boxing kundi isa itong wrestling.

"He is a dirty fighter. I am happy that I am still champion," sabi ni Pacquiao.

Kinastigo rin ng mga kilalang boxing writers sa Amerika ang maruming taktika ni Sanchez at ayon kay Dough Fischer "Sanchez used every bit of his veteran savy as well as his forehead and many well-placed low blows to stiffle Pacquiao’s face forward attack," sabi ni Fischer.

"Sanchez hit Pacquiao with low blows not only to the cup (the protective gear), but also to the hip and thigh area" dagdag pa ni Fischer.

Nakatakdang dumating si Pac-quiao ngayong alas-9 ng gabi.

AGAPITO SANCHEZ

AMERIKANONG

DOUGH FISCHER

FISCHER

FREDDIE ROACH

LAS VEGAS

LELOHONOLO LEDWABA

MURAD MUHAMMAD

PACQUIAO

SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with