Nangunguna sa talaan sina Eric Menk ng Tanduay Rhum, four-time Most Valuable Player Alvin Patrimonio ng Purefoods TJ Hotdogs, 1999 Rookie of the Year Danny Seigle ng San Miguel Beer, 1995 No. 1 pick Dennis Espino ng Sta. Lucia Realty at 1996 MVP Johnny Abarrientos at iba pa.
Karamihan sa kani-kanilang mga mother team ay tiyak na gagawa ng hakbang upang mapanatili sa kanilang rosters ang mga nabanggit na superstars.
Tatlong linggo mula ng mabigyan si Menk ng certification ng Department of Justice, muli itong na-sideline sanhi ng sprained calf na dahilan upang di siya nakalaro ng walo sa 13 games ng Rhummasters sa elims ng Governors Cup.
Hindi man katulad ng naunang kontra ni Patrimonio ng una siyang mapabilang sa pro loof noong kaagahan ng dekada 90s kung saan siya ang kauna-unahang manlalaro na may pinakamataas na kontrata, siguradong makakauha pa rin siya ng lukratibong deal mula sa Hotdogs. Sa katunayan, ayon sa insiders, kasama sa package ni Patromonio ang pagiging bahagi niya sa coach staff ng koponan sa susunod na taon.
Isang taon lang ang kinuha ni Seigle na kontrata sa pagsisimula ng season dahil nais niyang makasama sa iisang koponan ang kanyang kapatid na si Andrew John Seigle na ang kontrata naman ay mapapaso na rin sa Dec. 31.
Unti-unti nang nakakabalik sa dating porma si Abarrientos at siguradong ire-renew ng Pop Cola ang kanyang kontrata dahil kailangan siya ng Panthers.
Bukod kay Abarrientos, walong iba pang players ng Pop Cola ang mapapaso ang kontrata sina Jojo Lastimosa, Nelson Asaytono, Mon Jose, Cris Bolado, Edward Juinio, William Antonio at Alfredo Jarencio.
Pito naman sa Tanduay sina Jason Webb, Chris Cantonjos, Wynne Arboleda, Allan Yu, Oliver Agapito at David Friedhof.
Sumunod ang Alaska na may anim na players sina Don Carlos Allado, Bryan Gahol, Kevin Ramas, Richie Ticzon, Jonathan Ordonio at Glenn Peter Yap.
Tig-lima naman ang sa SMB, Red Bull at Purefoods. Bukod kay Danny Seigle, ang iba pang Beermen na matatapos ang kontrata ay sina Henry Fernandez, Dorian Peña, Dwight Lago at Robert Duat.
At sa Red Bull, sina Ato Agustin, Lowell Briones, Lordy Tugade, Bernard Tanpua at Glenn Capacio, habang sa Purefoods ay sina Ronnie Magsanoc, Dino Manuel at Jolly Escobar.
Ang iba pang players na mawawalan na ng kontrata ay sina Vigildo Babilonia, Celedon Camaso, Joselo Angeles, Gabby Cui ng Talk N Text, Chris Tan, Gerard Francisco, Gerardo Santiago ng Sta. Lucia, Joel Dualan at Art del Rosario ng Shell at Elmer Lago, Merwin Castelo, Aramis Calpito, Boy Valera ng Ginebra. (Ulat ni ACZaldivar)