^

PSN Palaro

Insentibo para sa mga KL SEAG gold medalist igagawad na ni GMA

-
Bilang pagkilala sa mga itinuturing na bayani ng Philippine Sports, ipinagkaloob kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Presidential Cash Incentives na P3 milyon sa lahat ng gold medalists sa nakaraang 21st Southeast Asian Games.

At sa isang simpleng seremonya sa Malacañang Palace, personal na inabot ng Pangulo ang kanyang pagbati sa 48 National athletes na sumungkit ng gold medals sa iba’t ibang events sa pangunguna ng double-gold medalists athletics star Eduardo Buenavista.

Sinabi pa ng Pangulo na ang naging tagumpay ng mga local athletes sa SEA Games ay nagsilbing isang solidong inspirasyon para lalo pa silang magsikap upang maisulong ang lokal na palakasan.

Tumapos ang bansa ng ikalimang puwesto sa overall medal standing na may naiuwing 30 golds, 66 silvers at 67 bronzes.

Ang nasabing Presidential cash incentives ay binubuo ng P100,000 para sa individual medalists, habang ang mga atletang sumabak sa team events ay kanilang paghahati-hatian ang P100,000 cash equivalent para sa gold medal.

Dumalo rin sa seremonyas sina Chairman Carlos Tuason ng Philippine Sports Commission kasama ang ilang sports leaders mula sa Philippine Olympic Committee at National Sports Association.

"Our latest performance in the SEA Games suggests that we really need to adopt more training and re-focus our strategy and funding to sports where we have an edge over other countries," wika ni Tuason.

Samantala, hinihintay pa rin ng Philippines ang final confirmation mula sa Olympic Council ng Malaysia para igawad ang isa pang gold sa javelin thrower Dandy Gallenero matapos na ma-diskuwalipika ang first placer na Thai na si Thirdsak Boonjansari sanhi ng pagiging positibo nito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. At kapag natanggap na ang kumpirmasyon, ang bansa ay mayroon ng 31 ginto, 65 pilak at 67 tanso. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

CHAIRMAN CARLOS TUASON

DANDY GALLENERO

EDUARDO BUENAVISTA

LILIA TOLENTINO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

OLYMPIC COUNCIL

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with