^

PSN Palaro

MBA 2nd Phase: Laguna sasabak sa San Juan

-
Sisikapin ng Laguna na mapasolido ang kanilang hawak sa ikalawang puwesto sa Northern Conference sa kanilang pakikipagkita sa San Juan sa alas-5:30 ng hapon ngayon sa MBA Second Phase sa San Juan Gym.

Galing ang Lakers sa kanilang limang sunod na panalo at ang kanilang tagumpay sa Knights ang siyang maghahatid sa kanila sa No. 2 spot at dadalhin nila ang home-court advantage sa kanilang muling paghaharap ng Knights sa kanilang best-of-three semis series.

Siguradong hindi pahuhuli ang Knights na tiyak na gagawin ang lahat para lamang maipanalo ang kanilang laro at mapalakas ang kanilang kampanya para sa ikatlong dikit na korona matapos na ibulsa ang national title noong nakaraang taon ang First Phase.

Sa main game, aasintahin naman ng Batangas ang kanilang panalo kontra sa Davao sa alas-3:00 ng hapon upang mapanatiling hawak ang pagiging top qualifier.

Hawak ng Blades ang 10-1 win-loss slate, habang nag-iingat naman ang Eagles ng 3-8 karta kung saan kailangan nilang ipanalo ang labang ito upang makaiwas sa kumplikadong situwasyon.

vuukle comment

BATANGAS

DAVAO

FIRST PHASE

HAWAK

KANILANG

NORTHERN CONFERENCE

SAN JUAN

SAN JUAN GYM

SECOND PHASE

SIGURADONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with