Pacquiao handa na kay Sanchez
November 7, 2001 | 12:00am
Mas higit na kundisyon ngayon si IBF super-bantamweight champion Manny Pacquiao kaysa noong lumaban ito kay Lehlo Ledwaba at napagwagian ang titulo sa pamamagitan ng sensational 6th round knockout noong Hunyo sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas.
Ito ang sinabi ng kanyang business manager na si Rod Nazario.
Sa isang overseas telephone conversation kahapon kay Nazario, iniulat nito na ang 22 anyos na si Pacquiao, ang natatanging Filipino world champion na tumitimbang ng one pound na lagpas sa weight limit na 123 at maganda ang nararamdam at kumpiyansa" na madadaig niya ang WBO champion na si Agapito Sanchez ng Dominican Republic sa kanilang unification fight sa Linggo (Manila time).
Ipapapalabas ng Viva-Vintage Sports ang laban via satellite simula alas-12 ng tanghali sa RPN-9.
Ayon pa kay Nazario, sinabi umano ni Pacquiao na " I have to bring two belts back home so I am practicing how to wear them." Sinabi rin ni Nazario na ang mga ka-sparring ni Pacquiao ay masyadong nabubugbog sa ilalim na pagbabantay ng American trainer na si Freddie Roach sa kanyang Wild Card gym na malapit sa Hollywood.
Ayon pa kay Nazario, magkakaroon ng light workout si Pacquiao sa Miyerkules bago lumipad patungong San Francisco para sa title showdown kay Sanchez na kilala sa kanyang mala-sangganong pagboboksing at maruming taktika sa ring sa Billy Graham Civic Center.
May mga di kumpirmadong ulat na ang 31 anyos na si Sanchez ay lumasap ng sugat habang nagsasanay ngunit ayon kay Nazario hindi nila alam kung gaano ka-grabe. Basta ang alam lang nila lalaban si Sanchez.
Si Pacquiao ay may ring record na 24KO sa 33 panalo na may dalawang kabiguan habang si Sanchez naman ay may 33-7-1, 20 KOs sa Top Rank Inc. championships double-header na tampok din ang undefeated WBC super-featherweight champion Floyd Pretty Boy Mayweather vs No. 1 contender Jesus Sanchez.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended