Humatak si Chan, ranked No. 907 sa mundo ng 6-1, 6-4 panalo laban sa fifth seed Keiko Tameishi ng Japan.
Maaga ring nagbakasyon ang third seed Shruti Dhawan ng India nang yumukod ito kay Prariyawan Ratanakrong ng Thailand, 3-6, 4-6.
Nakaligtas naman ang second seed Radhika Tulpule ng India at sixth seed Weng Tzuting ng Chinese-Taipei sa kani-kanilang first round meeting. Tinalo ni Tulpule si Khoo Chin-Bee ng Malaysia, 6-3, 6-3 at binokya naman ni Weng ang kababayang si Chen Yi, 6-0, 6-0.
Tampok ngayong araw ang sagupaan ng mga Filipino wild card Czarina Mae Arevalo kontra Thassha Vitayaviroj at qualifiers Charise Godoy laban sa No. 4 Sonal Phadke at Kristel Samala vs No. 7 Jennifer Schmidt ng Austria.
Ang iba pang seeds na mag-papakita ng aksiyon sa isang linggong netsfest na ito na hatid ng ITF Grand Slam Development Fund, Viva Mineral Water, Wilson ball, Traders Hotel at PSC ay sina No. 1 Kim Jin-Hee ng Korea vs qualifier Miriea Gol ng Spain at No. 8 Nana Wada ng Japan na haharap sa qualifier Lam Po-Kuen ng Hongkong.
Samantala, 12 manlalaro ang nakatakdang umalis patungong Malaysia sa Miyerkules upang sumabak sa dalawang junior tournaments.
Sasabak sa aksiyon sina Jessica Agra, Julie Em Botor, Ivy de Castro, Melissa Rose Orteza, Bien at Bambi Zoleta, Joshua Tan Ho, Daniel Luis Macalino, Patrick Arevalo, Juan Felipe Mayor, Patrick Bryan Lontok at Raymond Villarete sa Penang Open na nakatakda sa Nov. 9-12 at sa Perlis Milo International Championships tournament sa Nov. 13-16.
Ang mga players ay sasama-han ni national coaches Johnny Jose at Ronald Martin.