Malaking tulong rin ang ibinigay ni Kobe Bryant nang mag-ambag ito ng 24 puntos at siyam na assists, habang patuloy pa rin sa pagpapakitang gilas si Lindsey Hunter nang kumamada ng 13 puntos na siya niyang ikatlong sunod na double-digit output.
Hindi sapat ang pinagtulungang 46 puntos na ginawa ng bagong back-court ng Suns na sina Penny Hardaway at Stephon Marbury dahil sa kakulangan ng Phoenix ng dominanteng sentro na dahilan upang kumulapso sila sa laki ni ONeal.
Sa Boston, sa likod nina Paul Pierce at Antoine Walker, napasakamay ng Boston Celtics ang kanilang ikalawang sunod na panalo nang kanilang pabagsakin ang wala pa ring panalong Chicago Bulls.
Humataw si Walker ng 19 puntos, bukod pa ang 10 rebounds, walong assists at dalawang steals, habang nagdagdag naman si Pierce--ang NBAs fourth-leading scorer ng 16 puntos, limang rebounds at limang steals.
Kumana naman si Ron Mercer ng 22 puntos kontra sa dati niyang koponan upang pamunuan ang Bulls, na sumandig sa 19 puntos ni Marcus Fizer, habang walong puntos lamang ang naikamada ni Charles Oakley at 10 rebounds at pitong assists.
Sa Indiana, pumukol si Jalen Rose ng 24 puntos na pawang sa second half at supilin si Tracy McGrady nang iposte ng Indiana Pacers ang 117-107 panalo kontra sa Orlando Magic.
Sina McGrady (3-of-10) at kapwa niya All-Star Grant Hill (4-of-12) ay pawang na-check sa opensa ng Pacers upang itala ang kanilang home opener victory kung saan kanilang kinuha ang trangko sa huling bahagi ng first quarter.
Isinalpak ni Rose ang siyam sa kanyang 16 shots, ang lima ay pawang sa 3-pointers at nagdagdag ng anim na assists, pitong rebounds at tatlong steals para pangunahan ang Indiana.
Sa Miami, gumawa ng kauna-unahang triple-double performance si Andre Miller at igiya ang Cleveland Cavaliers sa kanilang kauna-unahang panalo sa season, 90-83 kontra sa Miami Heat.
Nagtala si Miller ng 30 points, 10 rebounds at 12 assists para sa kauna-unahang NBAs triple-double sa season. Umiskor rin siya ng 11-of-17 shots mula sa field at 8-of-12 free throws.
Abante ang Cleveland sa buong laro, ngunit bahagyang kinabahan nang manakot ang Miami sa 12-2 run upang dumikit sa 82-79, limang minuto pa ang nalalabi sa laro.
Sa Toronto, kumamada si Vince Carter ng 11 sa kanyang 25 puntos sa first quarter upang dalhin ang Toronto sa kanilang malaking bentahe na naging daan tungo sa kanilang unang panalo, 109-92 kontra sa Dallas Mavericks.
Bukod sa kanilang pagkatalo, nawalan rin ang Dallas ng isang key players matapos na dumanas si Dirk Nowitzki ng sprained ankle sa kalagitnaan ng kanilang laro.
Abante ang Raptors sa 20-9 nang ma-sprained ang kaliwang bukung-bukong ni Nowitzki.
Sa iba pang laro, nasilat ng Charlotte Hornets ang New York Knicks, 97-93, ginapi ng Detroit Pistons ang New Jersey Nets, 102-88 at binawian ng Minnesota Timberwolves ang Memphis Grizzlies, 111-102.