^

PSN Palaro

MBA 2nd Phase: Mahalagang panalo hangad ng Davao at Nueva Ecija

-
Isa sa dalawang mahalagang panalo ang aasintahin ng Davao upang makahatak ng playoff para sa Southern Conference sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng Nueva Ecija sa pagbabalik aksiyon ng Second Phase 2001 MBA season na dadako sa La Salle Gym sa Lipa City, Batangas.

Kasalukuyang nasa ilalim ng standing sa South bunga ng 2-8 naghihingalong kartada, umaasa ang Eagles na maitatakas nila ang importanteng panalo sa kanilang pang-alas 3 ng hapong sultada ng Patriots na siya nilang magiging tuntungan sa pagdugtong ng kanilang tsansa.

Ngunit, nasa delikadong katayuan rin ang Patriots na nag-iingat naman ng 2-7 record sa North at gaya ng Eagles, importante rin na maipanalo nila ang laro ngayon upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa na makasulong ng playoffs.

Bunga nito, inaasahang magiging mahigpit ang labanan sa pagitan ng Eagles at Patriots na naghahangad na maiangat ang kani-kanilang koponan.

Katatagan naman ang asam ng Negros Slashers at ng Batangas sa kani-kanilang grupo sa nakatakda nilang paghaharap sa dakong alas-5:30 ng hapon.

Hawak ng Blades ang pangunguna sa North sanhi ng 9-1 record, habang nasa tugatog naman ng standings ang Negros na nagkapaglista na ng 8-2 panalo-talo karta.

Siguradong hahataw ng husto sina Romel Adducul at Alex Compton upang ihatid ang Blades sa kanilang ika-10 na panalo at patatagin ang kanilang kampanya na manatiling hawak ang pangunguna.

Pero tiyak na tatapatan naman ng Slashers ang kanilang opensa para makabawi sa unang talo na kanilang natikman sa mga kamay ng Blades.

ALEX COMPTON

BATANGAS

KANILANG

LA SALLE GYM

LIPA CITY

NEGROS SLASHERS

NUEVA ECIJA

ROMEL ADDUCUL

SECOND PHASE

SOUTHERN CONFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with