Yakult 10 miler sa Linggo na
November 2, 2001 | 12:00am
Tinatayang mahigit sa 2,500 runners ang tutungo sa Linggo sa Cultural Center Complex upang sumabak sa Yakult 10 Miler na ang starting line ay sa Vicente Sotto St., para sa annual staging ng nasabing premier 10-mile sporting event.
Walang iba kunsdi ang SEAG gold medalists Eduardo Buenavista at si Christabel Martes ang siyang mangunguna sa mga kalahok ng sanctioning Philippine Amateur Track and Field Association, layunin ng karerang ito na masuportahan ang government sports development program sa long distance running.
Pumukaw rin ng pansin ang side events sa 3K ng mahigit sa 300 kabataan na may edad 6-13, habang ang 5K fun run ay lalahukan ng 12000 at ang 10-mile centerpiece event ay mayroong 1000 runners ang nagpatala ngayong taong Yakult run na siyang pinakamalaking field sa nakalipas na 12-taong pagtatanghal ng naturang karera.
Nakataya sa karerang ito para sa top finishers sa 10-mile run ang mga cash prizes tropeo at medalya, habang ang top finishers para sa 3K kids run at 5K fun run ay may naghihintay naman na medalya.
Maglalaban-laban naman para sa pinakamalaking bilang ng lahok ang ARAW running club ng Parañaque, Pasig RC, Marikina at Sta. Lucia RC, Escolta, Greenhills, Runnex, San Pedro RC, Queens Row, Sarimanok, Ayala Land Inc., Philippine Military Academy, ADB, SMC, Philippine Navy, Philippine Air Force at Philippine Army.
Inihayag rin ng organizers na ang lahat ng kalahok ay kailangang nasa assembly area sa Vicente Sotto St., sa loob ng Cultural Center Complex para sa pre-race briefings at check in ng hindi bababa sa alas-5:30 ng umaga. Ang karera ay magsisimula ng ganap na alas-6. Ang mga late entries ay hindi na papayagang lumahok sa karera.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am